Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vic Sotto Maine Mendoza Coco Martin
Vic Sotto Maine Mendoza Coco Martin

Coco at Maine, di puwedeng i-link dahil magkamag-anak

HINDI bagay na i-link sina Maine Mendoza at Coco Martin, dahil magkamag-anak pala ang dalawa sa bida ng pelikulang ‘Jack Em Popoy: The Puliscredibles’ na tinatampukan din ni Bossing Vic Sotto. Sa presscon nito ay natanong sina Coco at Maine, na paano kung ligawan ni Coco ang aktres? Pero ipinaliwanag nga ni Dabarkads Maine na distant relative raw sila ni Coco.

Saad niya, “Una po sa lahat, para po sa impormasyon ninyong lahat, magkamag-anak po kami, distant relatives po kami. So, nalaman lang po namin ito… may family reunion kami sa Bulacan, tapos doon sa pagkalaki-laking family tree, nandito ako at nandito si Coco,” muwestra ni Maine.

Pagpapatuloy ng aktres, “Nauna iyong reuinion kaysa roon sa start ng movie. So, una pa lang, ‘yun na ang naging topic namin. Na, ‘Uy, mag­kamag-anak pala tayo.’ Even ‘yung family ko, na-meet na rin ni Coco.”

Ipinahayag na­man ni Coco na siya man ay nagulat din nang nalamang mag­kamag-anak sila ni Maine.

“Honestly, ako rin po ay nagulat po. Then noong sinabi sa akin ni Maine ‘yun, tinanong ko po ang lola ko. Sabi ko, “La, may kamag-anak ba tayo rito sa Bulacan?” Iyon, nagkatugma-tugma po.

“Kaya nang nag-meet po kami ng family ni Maine, nahihiya lang po akong mag-approach. Pero honestly, siyempre ay gusto ko po silang makilala. Pero actually, malayong-malayo na kaming relative, sobrang layo na,” wika pa ni Coco.

Ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles ay isa sa entry sa 44th Metro Manila Film Festival. Ito’y mula sa CCM Film Productions, APT Production at ng MZet Productions na mag-uumpisang mapanood ngayong Pasko, sa buong bansa.

Ang pelikula ay punong-puno ng mga eksenang comedy, action, at drama na lalo pang pinaganda ng pinaghalong mga artista ng magkaibang networks na pinangunahan nina Tirso Cruz III, Lito Lapid, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Arjo Atayde, Ryza Cenon, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryza Mae Dizon, Baeby Baste, Pj Endrinal, Ronwaldo Martin, Mark Lapid, Chai Fonacier, Bassilyo, Smuglaz, at marami pang iba!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …