Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

No-contact apprehension system through hi-definition camera dapat tularan ng LGUs (Sa Parañaque City)

SA radio, telebisyon at social media, wala tayong ibang nakikita, naririnig at nababasa kundi pawang reklamo dahil sa matinding traffic na kapag minamalas-malas ‘e halos isang oras na hindi uusad ang sasakyan.

E ‘di lalo na ngayong holiday rush na pasikip nang pasikip ang traffic sa kalsada. Habang papalapit ang Pasko ay talaga namang maituturing na ‘challenge’ ngayon ang magmaneho.

Hindi na talaga maresolba ang masikip na daloy ng mga sasakyan sa kalsada kahit saan dahil sa laki ng volume at dami rin ng pasaway na mga driver.

Sa totoo lang, ang unang hakbang para maresolba ang problema sa traffic ay pagkakaroon ng disiplina ng drivers at pasahero. Diyan magsisimula ang lahat.

Kaya nga dapat nating purihin ang ginagawa ng Parañaque City sa pamumuno ni Mayor Edwin Olivarez.

Nagpapatupad ang siyudad ng “no-contact traffic apprehension system” sa pamamagitan ng high-definition camera laban sa mga violator sa kalsada.

Kauna-unahan ang Parañaque City, sa local government units (LGU) na gumamit nang ganitong Sistema.

Automatic na nakukuha ng camera ang plaka ng lumabag sa batas at hindi makalulusot dahil naka-save ang video, kasunod ang pagpapadala ng violation ticket kung kanino nakarehistro ang sasak­yan.

Walang lusot ang barumbado sa kalsada. Wala na rin ang kotong dahil maiiwasan na ang ‘ayos system’ sa mga enforcer na dume­deli­hensya.

Hindi biro ang magpatupad nang ganitong mga panukala kaya naman dapat itong ipabatid sa publiko at sa iba pang LGUs.

Napakalaking kontribusyon din sa kabuuan kung ang bawat siyudad ay magiging seryoso at tunay na magiging responsable sa traffic management sa kanilang lugar. Hindi ‘yung masabi lang na may ginagawa.

Aba, isipin n’yo na lang kung lahat ng siyudad ay magpapatupad nang ganitong sistema, sigurado tayong kahit paano ay luluwag ang kalsada at aayos ang trapiko.

Kapag may camera kasi, matatakot lumabag o mag-violate sa batas ang mga motorista at pedestrians dahil alam nila na swak na swak ang ebidensiya.

Sa mga mapadadalhan ng violation ticket na hindi tutugon tiyak na mahihirapang mag-renew ng lisensiya.

Hindi ba’t ilang pag-aaral na ang nagsasabi na malaki ang pinsala ng traffic sa araw-araw nating pamumuhay at maging sa ekonomiya ng bansa sa kabuuan. Ang laki nang nawawala sa kita ng bawat mamamayan sa araw-araw dala ng inefficiency na nagresulta sa ‘carmaggedon na traffic.’

Ramdam ito, lalo ng commuters. ‘Yung mahabang oras na iginugugol sa biyahe dahil nga sa makupad o kung minsan ay hindi umuusad na traffic. ‘Yan din ‘yung mga oras na masasabi nating ninanakaw sa atin na sana’y nailalaan sa ating pamilya o sa trabaho.

Kaya imbes maging produktibo tayo, malaking oras ang nawawala at nailalaan lang sa pag-upo sa sasakyan.

Saludo tayo at magandang ehemplo ang pagkakaroon ng “no-contact apprehension system.”

Nadidisiplina at nagiging responsable ang mga driver dahil takot mahuli. Malaki ang naitutulong nito sa pangkalahatang kaayusan. Nakatutulong din sa pagmo-monitor ng krimen at iba pang kaga­napan. Nababawasan ang kotong.

Sana ay tularan ng ibang LGUs ang ginagawang ito ni Mayor Edwin Olivrez.

Go mayor, go!

COLOR GAME
SA AOR NG CUBAO
STATION 7

GOOD pm po sa inyong tabloid na HATAW! Mr. Jerry Yap, iparating q lang po sa inyo ang kabuktotan ng mga operator ng mga ilegal na sugalan d2 sa aming brgy. Naipasara na po dati pero muling nakapag operate. Andaming pa­milya na nman po ang masisira at magugutom dahil sa hayop na sugal d2 magpa-Pasko pa naman po.

Pakibulabog naman po ang Station 7 kay Major Mario Manipon at brgy kap. Jun lakay Buena Agua. Mga sir baka dumami po holdapan diyan sa area n’yo dahil buhay n naman ang color game.

Umaasa po ako sa tulong mo Ginoong Jerry Yap at sa buong puwersa ng inyong humahataw na walang kinakatakutang tabloid. Sana po bulabugin n’yo ang color game sa kanto ng West Point, Cubao, Aurora Blvd.

Ang inyo  pong masugid na tagasubay2 ng Bulagugin ng HATAW! DABOY GA ng Brgy. E. Rod Cubao Q.C.

KOLEKTONG
AT SUGAL
NAGKALAT
SA AREA
NG MPD PS-1

GOOD pm sir Jerry, mukhang masayang-masaya na nman ang Tondo district 1 ngayong nalalapit ang kapaskuhan lalo ang mga pasugalan.

Namamayagpag ang iba’t ibang klase ng sugalan dahil sa kolek-TONG ng Presinto Uno.

Kukuhanin ko po mga pangalan isa-isa kung sino pa ang kasamang kolek-TONG nina Tata Bon at Rizal na mga tongpats sa mga sugalan. Ang pakilala ay bata raw po sila ng bagong bossing ng Uno.

Kaya pataas tara. Huwag n’yo npo ilabas ang pangalan ko sir, Salamat po.

+639167448 – – –

MAHIRAP PALANG
MAGSILBI
KAY TITO SEN?

YAP, tao ko rati ang isang personal bodyguard n Tito Sotto noon cya ay vice mayor sa Quezon City. Nang mag-senator na sya tinanong ko c tao kong ex marine kung bakit hndi na sya sumama sa Senado ang sagot ay mahirap daw magtrabaho kay Tito Sen dahil lahat daw sa kanya ultimo pagsundo sa mga anak kanya trabaho. Full load ang work ewan lang kung fully paid. Yaaaa!

+639189013 – – – –

MAY KUMIKITA
BANG BROKER
SA STOCKS
NG SSS?

PUWEDE po bang humiling ng penalty condonation sa SSS sa kanilang inalok na Stock Investment Loan Program? Para fair sa mga hinikayat nila maglagay sa mga stocks na luging- lugi hangang sa kasalukuyan? Grant cla nang grant sa Multi Purpose Loan pero di  maintindihan kung bakit ayaw nila sa stocks. Dahil ba sa may broker clang kikita?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *