NAGING matagumpay ang ginanap na dalawang free screening ng advocacy film na The Maid In London sa Robinson’s Galleria noong December 7 at 9 sa Robinson’s Place, Las Pinas.
May isa pang free screening na magaganap sa Dec. 11-Robinson’s Calasiao, Pangasinan, 1:00 p.m. (Cinema 4). Ito’y sa pakikipagtulungan ng PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office).
Ang naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Danni Ugali ay pinagbibidahan nina Andi Eigenmann at Matt Evans. Tampok din dito sina Polo Ravales, Janice Jurado, Joshua de Guzman, at iba pa.
Pinasalamatan ni direk Danni ang mga sumuporta sa libreng pagpapalabas ng kanyang pelikula.
“Thankful ako sa matagumpay na PCSO special screening for ‘The Maid in London’ na ‘yung sa Robinson’s Las Piñas ay sinuportahan ng senior citizen’s group, friends from showbiz, special mention to Shubert Dela Cruz of Sparkling Stars Productions who brought all their artists. Kabilang pa sa attendees are relatives of OFW’s and batchmates from high School. Thanks to PCSO General Manager Alexander F. Balutan for the support, together with PCSO staff Sir Darcy Geronimo, Ms. Ana May Casten and Sir Joel Pastores.
“Pinasasalamatan ko rin ang iba pang sumuporta sa proyektong ito tulad ng Prego Jeans Ph, Ms. Rhea Tan of Beautederm Corporation, Mahlord Productions, Annie Magnabion of Robinson’s Cinema, Ms. Aki Galicia-Tsuji, and Dr. Shirwel Dagasdas of Revisage Skin Care.”
Ang pelikula ay inimbita rin sa Seni Kelab Filem Malaysia sa Kuala Lumpur sa February 4, 2019. Ito ay lalahukan ng film students doon at magkakaroon ng Q & A pagkatapos ng screening.
Ang The Maid in London ay base sa librong Tago ng Tago ni BL Pangasinan. Ito’y mula sa Cinemanila.UK at Viva Films. Ang producers ay sina BL Panganiban, Beth Rees, Steve Rees, Mark O’driscoll, Nhing O’driscoll, at Danni Ugali.