MGA nakikinabang lang sa pork barrel ang magiging masaya at mataba sa pagpasok ng taong 2019, na tinaguriang Year of the Pig.
Ito ang mensahe ni Senador Panfilo Lacson matapos unang ibunyag na P71,000 ang utang ng bawat Filipino.
“2019: Year of the Earth Pig. Brace yourselves for more pork,” saad ni Lacson sa kanyang Twitter post.
“I do not know if it is a coincidence that next year is the Year of the Earth Pig,” banggit din ni Lacson sa panayam sa kanya.
Ayon sa mambabatas, sa nabanggit na halaga ng utang ng bawat Filipino, isa sa pinakamabigat na ugat ay walang pakundangan na paglustay ng mga tiwali sa mga pondo ng pamahalaan, na ang malaking bahagi ay inuutang taon-taon.
“All Filipinos, even those born just now, are already saddled with a debt of P71,000 each, because our borrowings have ballooned. Worse, we have to borrow more just to pay off our past debts,” pagbubunyag ni Lacson.
Nauna rito, binanggit ni Lacson sa isang panayam, hindi umano niya masabi kung sinasadya o nasabay lamang sa pagpasok ng Year of the Pig ang pagkakasalpak ng nagmamantikang pork barrel ng piling kongresista sa 2019 budget.
“It would have been better if the borrowings resulted in development projects whose benefits we can actually feel. But if taxpayers’ money is lost due to corruption and inefficiency, that is sad,” banggit ni Lacson.
Dahil sa labis na katakawan ng ilang mga mambabatas, napipilitan umano ang gobyerno na gumawa ng mga bagong batas tungkol sa pagkolekta ng buwis upang mapunuan ang mga nalustay nang walang pakundangan.
Sa nakalipas na tatlo hanggang apat na taon, naitala lamang sa P60,000 ang utang ng bawat Filipino na noon ay halos 90 milyon pa lamang ang populasyon at ngayon ay umabot na sa mahigit 100 milyon.
Nakagagalit umanong isipin na dahil sa pagiging gahaman ng ilang mambabatas, ang sambayanan ang magdudusa at papasan sa patuloy na paglaki ng utang ng bansa na sila lamang ang may gawa.
“Aren’t you angry that because some people played around with the budget, all of us Filipinos are made to bear the burden of debt?” desmayadong pahayag ni Lacson.
Ipinaalala rin ni Lacson na noong 2017 lamang, nasa P583 bilyong halaga ng pondo ang kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) dahil sa kawalan ng konsultasyon sa pagitan ng ehekutibo at mga miyembro ng lehislatura na nagpatupad nito, kagaya ng kanyang mga isinisiwalat sa kasalukuyan.
(CYNTHIA MARTIN)