Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoy filmmakers, humakot ng parangal sa German Int’l Film Festival

TATLONG awards ang naiuwi ng Pinoy filmmakers sa 31st Exground International Film Festival sa Wiesbaden, Germany.

Ang award-winning film na Respeto ni Director Alberto “Treb” Monteras II ay nanalo ng Youth Jury Award para sa Best Feature Film sa Youth Days, ang international youth film competition sa nasabing festival. Sa coming-of-age dramanh ito, si Hendrix (na ginampanan ng hip-hop artist na si Abra) ay naghahangad na maging rapper at iwanan ang kahirapan sa Maynila. Ang grupo ni Treb ay nakatanggap ng cash prize na 2,500 euros na idinonate ng State Capital ng Wiesbaden.

“The Philippine film RESPETO has convinced the youth jury in many ways. It introduces us to the frightening conditions of a country where people can be shot by the police on mere suspicion on the street. The film makes excellent use of the language of cinema at all levels: camera, sound and music, effects and the authentic presentation merge to a unity. In the midst of a scene marked by violence, drugs and corruption, Hendrix pursues his dream of asserting himself as a rapper in Manila’s hip-hop scene. Fast-paced, driven by the pulse of music, RESPETO shows the struggle for respect and recognition – and how important it is to have role models. With the power of hip-hop, Hendrix manages to counter the conditions and the lack of perspective with something. A real youth film!,” anang mga hurado sa press release ng exground filmfest.

Ang Women of Wiesbaden naman ni director Jet Leyco ay nagwagi ng prestihiyosong Golden Gurke award sa Exground Gong Show Competition. Ang grupo nila ay nakakuha ng cash prize na 50 euros sponsored ng Wiesbadener Kinofestival e. V.

Sabi sa press release ng exground filmfest, ”Napabilib ang hurado sa mataas na kalidad at malawak na tema ng mga pinasang pelikula. Hindi nakapagtataka na dalawang pelikula lang ang nakatanggap ng gong mula sa amin at na-dismiss. Ang short film ni Jet Leyco ay napaka-exceptional. Mas lalong nakabibilib na bumiyahe siya papunta rito ng umaga ng 19th, nalaman ang tungkol sa competition at ginawa ang pelikula upang maipasa ng gabi bago magsimula ang show.”

Samantala, ang Man of Pa-Aling (Manong ng Pa-Aling) ni E. del Mundo ay nakatanggap ng special mention sa International Short Film Competition.

Sa press release ng exground filmfest, binanggit ng mga hurado na, ”Ipinararamdam nito ang lungkot ng isang magandang underwater landscape, in-explore ng pelikulang ito sa black and white ang kawalan ng saysay at kaluwalhatian ng human existence.”

Ang Exground Filmfest sa Wiesbaden ay isa sa mga pinakamahalagang film festival sa Germany para sa international independent productions. Dinadala nito ang mga manonood sa isang ‘di-malilimutang cinematic journey at hinahayaan ang mga taong maranasan at matuklasan ang iba’t ibang mga bansa’t kultura sa pamamagitan ng pelikula. Kasama sa festival program ang exhibitions, workshops, concerts, parties, at panel discussions.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng centennial ng Philippine cinema, itinampok ng Exground Film Festival ang Pilipinas bilang Country of Focus. Ang programa ngayong taon ay kinilala at ibinida ang critically-acclaimed na mga pelikulang Pinoy na nagtataguyod ng socio-political discourse at nagbubunyag ng kasalakuyang kalagayan ng human rights sa bansa.

Ang Exground Filmfest Festival 31 ay ginanap noong November 16 hanggang 25, 2018 sa Wiesbaden, Germany.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …