Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu Dennis Trillo JC de Vera
Kim Chiu Dennis Trillo JC de Vera

“One Great Love” ni Kim Chiu, Dennis at JC pang-third daw sa movie nina Bossing, Coco at Vice Ganda (First mature role at dekalidad)

 ILAN sa first time na ginawani Kim Chiu sa movie nila nina Dennis Trillo at JC de Vera na “One Great Love”under Regal Entertainment, Inc., na entry nila sa MMFF 2018 ay magkaroon siyang dala­wang love scenes sa rich boyfriend sa movie na si JC na ginawa sabathtub at bedroom, at sa isa pang leading man na si Dennis na kinunan saharapan naman ng fireplace. 

Well sa grand presscon ng OGL, sa 38 Valencia Events Place ay sinabi ni Kim na nagustuhan niya ang plot ng pelikula at na-inlove siya sa story nito kaya go at yes daw agad-agad siya kina Mother Lily Monteverde, Ma’am Roselle, at Direk Eric Quizon na gumaganap ring ama niya sa movie.

Puring-puri ng Kapamilya actress ang style ng pagdidirek ni Direk Eric kaya naman lahat daw ng eksena na ka­sama sa script o wala ay ginawa ni­ya nang wa­lang angal.

Pagdating naman sa acting ni Kim ay marami ang lalong ma­pa­pahanga sa kanya sa One Great Love, na buong husay niyang nagampanan ang character bilang si Zyra, na naghahanap ng one great love.

Marami rin ang nagsasabi na kung pagba­basehan ang trailer ng said movie ay pang-best actress talaga ang performance ni Kim dito kaya malaki ang chance ng actress na masungkit ito sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival.

Marami rin ang humuhula na puwedeng pumangatlo ang One Great Love sa Popoy Em Jack: The Pulis Credibles nina Bossing Vic Sotto, Coco Martin, at Maine Mendoza at Fantastica ni Vice Ganda.

Parterin ng cast sina Miles Ocampo, Marlo Mortel, etc., at showing na sa Theatersnationwide starting Dec. 25.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …