Friday , November 15 2024

Lim tuloy ang laban

PINAGTAWANAN lang ni dating Mayor Alfredo ang balitang siya ay umatras na sa pagtak­bong alkalde ng Maynila.

Sa panayam natin sa kanya kahapon, sinabi ni Lim na walang katotohanan ang balita at kathang-isip lang na inimbento ng kanyang mga kalaban para siya siraan.

Nang maitanong na­tin ang pakay ng pani­nira laban sa kanya, mahinahong sagot ni Lim:

“Wala siguro silang maipakita at maipag­malaking accomplishment na napatunayan o anomang kabutihan na nagawa sa Maynila kaya’t sa pag-iimbento na lang ng mga paninira laban sa akin ang kanilang pinagkakaabalahan.”

Payo na lang ni Lim sa kanyang mga kalaban, imbes daanin sa paninira ang pangangampanya ay sabihin nila sa mga botante kung ano’ng kapaki-pakinabang na proyekto ang kanilang nagawa o naipatayo sa lungsod kung karapat-dapat silang iboto.

Kunsabagay, lalong hahakot ng simpatiya si Lim sa mga paninira ng kanyang mga kalaban.

Mismong sa Commission on Audit (COA) sa kanilang special audit report kaugnay ng “ghost employees at ghost deliveries scam,” habang ang isa ay sa “27 ghost barangays” sa May­nila.

Sa totoo lang, ang mismong mga nagkakalat ng paninira ay nagsisilbing campaign manager ni Lim at humahakot ng karagdagang simpatiya mula sa matitinong botante.

Wala sa bokabularyo ni Lim ang umatras sa anomang laban, aniya:

“Sa buong buhay ko ay wala pa akong ina­trasan, mula noon hanggang ngayon, dahil ang pag-urong sa laban ay katumbas na rin ng panlilinlang sa mamamayan.”

Nanawagan din si Lim sa mga Manileño na ibase ang pagpili ng iboboto sa mabuting “track record” o nagawa ng kandidato.

Tiniyak ni Lim na walang atrasan at tuloy ang laban para alkalde ng Maynila.

Una sa listahan ni Lim na maibalik ang mga libreng serbisyo sa ilalim ng “from womb to tomb program” na kanyang naipatupad sa Maynila.

Ginagarantiyahan din ni Lim ang pagsus­pende sa mataas na paniningil ng mga bayarin sa buwis na ipinatupad ng pumalit sa kanya at muling ibabalik sa dating halaga habang siya pa ang nakaupong alkalde noon ng Maynila.

Hiniling ni Lim ang suporta ng mga Manileño na tulungan siyang makabalik sa City Hall para maipagpatuloy ang karugtong ng mga napa­simulang proyekto.

Ilan diyan ang mga condo type na low cost housing na abot-kayang hulugan ng mga residenteng maralita na ipatatayo sa mismong lungsod upang hindi na sila itaboy ng relocation sa malalayong lalawigan.

Kasama sa mga ipatutupad na proyekto ni Lim ang pagtatayo ng 2 annex building ng Unibesidad de Manila para sa libreng edukasyon – isa sa pagitan ng District I and 2 at isa sa pagitan ng District 3 and 6 – upang maraming kabataan ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Tulungan po natin si Lim!

 

SINO SI “MR. PYAW SY”

NA SPONSOR NG ISANG

POLITIKO SA MAYNILA?

HABANG sinisiraan si Lim ay tuloy naman ang pagbuhos ng kuwarta mula sa kampo ng kanyang mga kalaban na ang tsansa ng panalo ay sa panunuhol at vote buying idinaraan.

Halimbawa, malaki na raw pala ang pera na itinatapon ng isang Tsekwang si “Konga,” may-ari ng isang hardware sa Sto. Cristo, sa maagang pangangampanya ng isang kandidatong alkalde sa Maynila.

Sagot ni Mr. Pyaw Sy ang pagpapalamon sa isang bagong bukas na mamamahaling Chinese restaurant sa Macapagal Blvd., Parañaque para sa mga imbitado ng kandidatong alkalde.

Tuwing patawag ay 200 na pawang opisyal ng barangay mula sa bawat distrito ng lungsod ang schedule sa naturang kainan.

Ang siste, nabalitaan natin na imbes matuwa ay minumura nila ang kandidatong mayor sa layo na kailangang lakarin nila papunta sa restaurant at sa sakayan pabalik sa Maynila kapalit ng halagang P1,000 na pakimkim.

Abangan ang detalye mamayang gabi sa programang “Lapid Fire” ng inyong lingkod na napapakinggan, 10:00 pm – 12:00, Lunes hanggang Biyernes, sa makasaysayang himpilan ng DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz).

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

 

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *