Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kotong employees sa BIR hindi pa ubos

MUKHANG marami pa talagang dapat trabahuin si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica.

Isa tayo sa mga nalulungkot kapag nakaririnig ng ganitong mga balita.

Dalawang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nango­tong ng P2 milyones?!

Mantakin ninyo, sa P2 milyones na ‘yan, P500,000 lang ang papasok sa gobyerno at ang P1.5 mily0nes ang paghahatian ng dalawang emple­yado?

Silang dalawang lang nga kaya ang maghahati?!

Sa totoo lang, marami na tayong naririnig na ganitong pangyayari sa hanay ng maliliit na negosyante.

Maraming negosyante ang walang magawa kasi nga, kapag hindi pumasok sa gustong mangyari ng mga mangongotong, sasampahan ng kaso.

Marami nga raw ang natuwa nang mabalitaan na nahuli ‘yang dala­wang ‘yan. Ilan din ang nagsasabi na kasama sila sa mga notoryus na nam­­bibiktima ng mga negosyante.

Sana’y maisalang agad sa lifestyle check ang mga ‘yan at maugat pa kung sino ang mga kasabwat nilang nakikina­bang.

Kudos Commissioner Greco!

FDA ALALAY BA
O PAHIRAP
SA FILIPINO?

ISA tayo sa mga nagulat kung bakit napaka­bilis kumalat sa merkado ang nakamamatay na lambanog.

Kailangan munang maraming mamatay bago kumilos ang Food Drug Administration (FDA).

Tingnan n’yo nga naman, kapag mga im­bensiyon na nakatutulong sa kalusugan ng mga mamamayan, napaka­higpit ng FDA.

Pero kapag mga pambisyo gaya ng nasabing lambanog, napakabilis aprobahan ng FDA.

Aprobadong tiyak dahil kalat na sa merkado ‘yang lambanog na ‘yan.

Samantala ‘yung produkto ni Dra. Farrah, isang anti-oxidant na maraming napagaling, napilitang magsara at itigil ang produksiyon dahil sa rami ng rekesitos at masyadong paghi­higpit ng FDA.

Ibang klase talaga ang batas sa ating bansa.

Talaga bang ang FDA ay may tinititigan at may tinitingnan depende sa mga cash ‘este kasunduan?!

Ano ba talaga ang nangyayari diyan sa FDA Director General Nela Charade Puno?!

Nagtataka tayo kung bakit sikat na sikat kayo sa ibang maliliit na negosyante gayong kayo ang director general.

Kayo ba ang direktang nakikipag-usap sa mga naghahain ng kanilang aplikasyon para sa FDA?!

Pakiklaro na nga po ang isyu at marami na tayong mga kababayan ang apektado sa pagsa­sara ng klinika ni Dra. Farrah.

Ano ba talaga ang ‘malaking’ dahilan DG Puno?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *