KAPURI-PURIang adbokasiya nina Engr. Rolly at Ms. Jeanine Policarpio sa pamamagitan ng kanilang Eugenio Gojo Cruz Policarpio Memorial Foundation. Dahil sa magandangresulta ng kanilang negosyo, naisipan nilang magtayo ng foundation na tutulongsa mga batang kapos-palad para makapagtapos ng pag-aaral.
Nagpa-block screening sila ng Three Words To Forever ni Direk Cathy Garcia-Molina na tinatampukan nina Sharon Cuneta, Richard Gomez, at Kathryn Bernardo, with Freddie Webb, Liza Lorena, at Joross Gamboa. Nakaaaliw ang pelikula, pero mas nakatutuwa na ang nalilikom na pondo rito ay ipinangtutustos sa scholars ng naturang foundation.
Paliwag ni Ms Jeanine, “The bussiness started from the construction management company, after 10 years nag-celeberate ang company and na-realize namin na it’s better na marami kang matulungan. So, in-establish namin ang Eugenio Gojo Cruz Policarpio Memorial Foundation. Doon nag-start and then nag-push kami more on the scholars. Kasi I have three college students, so, sila ‘yung nag-feed sa akin na, ‘Mommy, ang dami-daming hindi nakakatapos ng pag-aaral.’ So, kaysa mag-donate kami kung saan-saan, ‘di ba?
“So we put-up the foundation, at least ito ay nakikita namin na talagang nakatatapos ang mga bata, natutulungan at dumederetso talaga iyong contribution. Ngayon three years na natin, mayroon na kaming graduate na apat, in three years kasi nagkaroon nang k-12, ‘di ba? Tapos ngayon nag-start na three ulit na 1st year at two na fourth year. Puro college na sila.
“So we’re doing the fundraising to sustain the foundationand not only that, para at least dumami… kaya tayo nagpa-fund raising para sascholars natin,” ani Ms. Jeanine na third time na nagpa-block screening paramakapag raise ng funds.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio