Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vic Sotto Maine Mendoza Coco Martin
Vic Sotto Maine Mendoza Coco Martin

EB at Ang Probinsyano  stars, tampok sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles

MARAMI na ang nag-aabang sa bigating pagsasamang tatlong Lodi ng Masa na sina Bossing ng Comedy Vic Sotto, Phenomenal Star Maine Men­doza at ng Hari ng Primetime TV na si Coco Martin na mapa­panood sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles. Bihira lang mangyari ang ganitong pagka­kataon, kaya masasabing ito na siguro ang magiging pinaka­masayang Pasko para sa buong pamilya dahil sa inaa­bangang pagsasama nina Bossing, Maine, at Coco.

Sa Trailer pa lang ay da­mang-dama na ang chemistry ng tatlong bigating bituin na unang pagkakataon palang magkakasama sa isang pelikula bilang Jack Halimuyak (Coco), Em Fernandez (Maine) at Popoy Fernandez (Vic). Ang tatlong bida na pawang mga pulis sa iisang headquarter ay kinailangan magsama-sama para sa isang misyon na magdadala sa kanila sa isang mahalagang rebelasyon.

Tiniyak ni Coco na espe­syal at may kakaibang mapa­panood sa kanilang pelikula at pagsasanib-puwersa ng Ang Probinsyano at Eat Bulaga stars.

“Pinaka-importante ang araw ng Pasko, kaya gusto kong gumawa ng pelikula every Christmas kasi naaalala ko noong bata ako roon kami nagsasama-sama ng buong pamilya para manood ng sine. Kaya sabi ko every time na gagawa ako ng pelikula sa araw ng Kapaskuhan, sisigu­raduhin ko na susulitin ko ‘yung pera ng mga manonood.

“Kaya nang ginagawa po namin itong movie, nakailang meetings po kami, nakailang revisions ng script para masi­gurado po namin na kakaibang pelikula po ang gagawin namin. Na hindi kami mapapahiya sa unang pagsasama ng dala­wang pamilya ng Eat Bulaga at ng Probinsyano, dapat proud kami sa ipapakita namin, sa ipapalabas namin,” nakangiting saad ni Coco.

Siniguro rin ni Vic na binusising mabuti ang kanilang pelikula upang maligayahan nang husto ang moviegoers.

“Pagdating sa comedy, mas pinapaboran ko iyong situ­wasyon. Kasi kung nakata­tawa ang situwasyon, hindi mo na kailangan magpatawa. No­ong nag-uusap pa lang kami ni Coco, preprod pa lang, kasama na iyong mga revisions ng script, hindi namin pinag-usapan iyong comedy. Mas importante sa amin iyong istorya. Inuna namin iyon, dapat may puso siya, kasi pampa­milya iyong pelikula. Iyong comedy, ibaba­gay mo na lang sa situwasyon, kasi kapag inuna mo ang comedy, masisira ang istorya.”

Ang mga eksenang katata­wanan, masigabong aksiyon at madamdaming drama ay sigu­radong swak na swak sa lahat ng edad lalo sa panahon ng Kapaskuhan na sama-sa­mang nanonood ang pamilyang Filipino. Ang pelikula ay punong-puno ng mga eksenang comedy, action at drama na lalo pang pinaganda ng pinaghalong mga artista ng magkakaibang networks na pinangunahan nina Tirso Cruz III, Lito Lapid, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Arjo Atayde, Ryza Cenon, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryza Mae Dizon, Baeby Baste, Pj Endrinal, Ronwaldo Martin, Mark Lapid, Chai Fonacier, Bassilyo, Smuglaz, at marami pang iba!

AngJack Em Popoy: The Puliscredibles ay official entry ng CCM Film Productions,APT Pro­duction at ng MZet productions sa 44th Metro Manila Film Festival namag-uumpisa nang mapa­nood ngayong Pasko, December 25 sa buong bansa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …