Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

APT Studio ng Eat Bulaga sa Cainta Rizal, may sariling signboard sa jeep

Number one talaga sa puso ng Eat Bulaga ang ating mga kababayan na gusto silang mapanood nang live sa kanilang bagong tahanan na APT Studio sa Marcos Highway, Cainta, Rizal.

Simula noong Sabado ay bukas na para sa lahat ng mga gustong maging bahagi ng studio audience ng longest-running noontime variety show. At dahil ang kapakanan ng Dabarkads ang main concern ng producer ng EB na Tape Incor­porated, para hindi sila maligaw patungo sa studio ay nakipag-ug­nayan ang kani­lang staff sa kinauukulan at ha­yun presto may sariling signboard na ang Eat Bulaga sa mga jeepney na bumibiyahe mu­la Cubao hang­­gang Cogeo.

Siyempre hindi lang ang mga taga-Marikina, Cogeo, Antipolo ang type pumila sa APT Studio maging ang suki na ng Bulaga sa iba’t ibang lugar sa Quezon City ay gusto rin pumunta para hindi lang manood kundi masilayan din ang sinasabing world-class na bagong studio ng EB na pawang state of the art mula camera, ilaw, at mismong loob ng studio.

Kaya pasok na sa APT Studio at i-enjoy ang panonood sainyong favorite EB hosts na pinangungunahan nina Tito Sen, Bossing Vic Sotto,at Henyo Master Joey de Leon. 

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …