Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Buhay ng PNR passengers nanganganib (Sa reklamong iregularidad ng PNR officials)

AGREE tayo riyan na malaking panganib ang hinaharap ng Philippine National Railways (PNR) passengers dahil sa mismanagement ng mga opisyal nito.

Ayon sa presidente ng Bagong Kapisanan ng mga Manggagawa sa PNR (BKMP) na si Edgar Bilayon, kailangan ang agarang pagsibak kay General Manager Junn Magno dahil umano ng katiwalian, palpak na pamamahala at imoralidad na nangyayari ngayon sa PNR.

Ipinananawagan rin ng unyon ang pagpapatupad ng isang resolusyon ng PNR special investigating committee na nagreko­menda ng agarang pagpapasibak kay PNR chief corporate counsel Atty. Celeste Lauta, nang hindi aksiyonan ang kawa­lan ng diesel fuel ng mga bagon na direk­tang dahilan ng pagkakadiskaril ng operasyon ng PNR.

Mabigat ang mga akusasyon, kaya bukas ang ating kolum para sa paliwanag ni GM Magno at iba pang opisyal na inirereklamo ng unyon.

Simula noong Setyembre, halos usad-pagong ang mga bagon makaraang upuan ni GM Magno at Lauta ang panawagan ng mga empleyado na siguradohin ang suplay ng diesel fuel, gayondin ng pagsasagawa ng maintenance sa mga bagon.

Sawa na nga raw ang mga empleyado ng PNR sa palpak na pama­mahala ng kanilang general manager na si Magno. Napapahiya ang ahensiya sa araw-araw na kapalpakan ni Magno na walang alam sa management at pagpapairal ng patas na patakaran lalo sa mga empleyado.

Pati ang bilyon-bilyong pisong badyet ng PNR ay ipinagkatiwala umano ni Magno ang paggamit kay Lauta sa kabila ng kawalan ng technical expertise lalo sa railway management.

Marami na nga ang nagtataka kung bakit parang si Lauta na lang ang magaling sa PNR. Si Lauta umano ang legal counsel ng Liberal Party sa Bikol.

Bukod sa pondo, ipinagkatiwala rin umano ni Magno kay Lauta ang halos lahat ng mahaha­lagang posisyon sa PNR, kaya lalo pang nagka­kagulo ngayon sa ahensiya.

Hindi lamang corporate secretary ng PNR board si Lauta, kundi tumatayo pa siyang kobrador ng honoraria bilang board secretary. Kumobra rin ng year-end, mid-year at honoraria si Lauta na nagkakahalaga nang lampas P91,000 sa panahong suspendido ng Korte Suprema bilang abogado.

Nagsampa ng administrative complaint sina Bilayon kasama ang bise presidente ng unyon na si Jose Antonio Laurena noong 21 Hulyo 2017 nang mabatid nila ang suspensiyon na ipinataw kay Lauta ng kataas-taasang hukuman.

Nagbuo ang PNR board ng Special Investiga­ting Committee upang dinggin ang kaso laban kay Lauta.

Noong 29 Nobyembre 2017, nagbaba ng resolusyon ang komite nang pagpapasibak kay Lauta. Pinagtibay ang resolusyon noong 5 Disyembre nang taong iyon.

Bagamat may termination letter mula sa PNR board si Lauta noon pang 29 Nobyembre 2017, nananatili siya sa nasabing ahensiya dahil umano sa espesyal na trato ni Magno.

Hindi inaaksiyonan ni Magno ang termi­nasyon sa serbisyo ni Lauta at ibinigay pa ang mga posisyon bilang OIC ng legal division, division manager ng corporate planning division na para lamang sa isang PNR administrator.

Mukhang napakahusay at napakagaling ni Lauta para pagkati­walaan nang ganyang kapangyarihan ni GM Magno.

Anong powers mayroon ang taga-Bicol na si  Atty. Lauta at ganoon na lamang ang bilib sa kanya ni Magno?

Ano na  ang mangyayari kung mananatili ang mismanagement sa PNR, maaaring maa­pektohan hindi lamang ang operasyon kundi ang modernisasyon ng nasabing ahensiya na isa sa mga programa ni Pangulong Duterte.

May aksiyon na ba ang Palasyo sa sumbong mga empleyado?!

Nanawagan po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *