Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Cops sa drug war maging maingat pero ‘wag matakot — Albayalde (Sa conviction ng tatlong pulis sa Kian’s slay)

NAWA’Y maging babala sa mga alagad ng batas na nagmamalabis sa kanilang kapangyarihan ang karanasang ito.

Tinutukoy natin ang tatlong pulis na nahatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na kulong (20 hanggang 40 taon) at walang parole, dahil napatunayan ng hukuman ang pagpaslang nila kay Kian delos Santos, noo’y 17-anyos, gamit ang lisensiya ng ‘drug war.’

Marami ang natuwa sa hatol ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Branch 125 Judge Rodolfo Azucena Jr., sa mga pulis na sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda, at PO1 Jerwin Cruz.

Habang sabi naman ng ibang human rights group, ang conviction sa tatlong pulis ay ‘warning shot’ umano laban sa mga alagad ng batas na lalampas sa kanilang hurisdikdiyon at kapang­yarihan.

In short, ‘yung mga abusadong alagad ng batas, sukdulang paslangin ang suspek kahit wala itong arams at hindi pa dumaraan sa proseso ng pagtatanggol sa sarili ay dapat nang magda­lawang-isip.

Sabi nga ni PNP chief, DG Oscar Albayalde sa kanyang mga tauhan, maging maingat sa pagpa­patupad ng anti-drug war pero hindi naman ibig sabihin niyan na matakot kayo para huwag nang gumanap sa tungkulin.

Sa pamamagitan nga naman ng hatol ng nasabing hukuman, maraming maaapektohang kaso na sinasabing ‘summary executions.’

Isa tayo sa umaasa na makatutulong ang pang­yayaring ito para paunlarin ang pagsusulong ng drug war na hindi kailangan ang barbarikong pama­maraan.

Panahon na rin para muling repasohin ang drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte na sabi nga e, maliliit ang nabibingiwit pero ang malalaki ay nakikipag-elbow-to-elbow sa Palasyo.

Umaasa tayo, na ito ay malaking aral hindi lang sa administrasyon kundi sa lahat ng mamamayan at mga opisyal ng gobyerno.

You may now rest in peace Kian… so long.

ESKAPO NA NAMAN
SA BI DETENTION CELL!
(PAGING: SOJ MENARDO
GUEVARRA)

WALA tayong kamalay-malay na may pinatakas ‘este natakasan na naman pala ng preso ang mga guwardiya ng Bureau of Immi­gration – Civil Security Unit (BI-CSU).

Isang Korean fugitive raw na nagngangalang Choi Yeong Sup ang pinatakas ‘este nakatakas sa kamay ng kanyang mga bantay habang naglalamiyerda sa SM Mall of Asia!

Huwatt?!

Ano naman kasi ang ginagawa ng mga kumag sa MOA?!

Saan ka nga naman nakakita na ang pu­gante ay ipinapasyal sa MOA?!

Only in the Philippines!

Ang kuwento, dumaan daw ang grupo ng nagbabantay kay Choi sa MOA para lumamon.

Wattafak!

Kakain lang, sa MOA pa at kasama ang preso?!

Jusko po, ina ng awa!

Ang dami namang lugar na kakainan, gaga­wan n’yo pa ng pabor ang isang naka­kulong?

Sonamabits!

Actually, dalawa pa nga raw ang kasamang detainee sa pagpunta sa MOA. Habang umo-order daw ang mga shonga ‘este ang guwardiya ng kanilang makakain ay nagawa raw tumakas ng dalawa, pero nahuli agad ang isa sa kanila habang ang isa ay naglahong parang bula.

Kaya resulta, NGANGA!

Kahit pa nga siguro si Jaworski o Lebron James ang pabantayin sa mga preso na dinala sa mataong lugar gaya ng MOA ay tiyak na sila’y matatakasan.

Magkano ‘este paano sila nalusutan!?

Paging BI Commissioner Bong Morente, baka po kinakailangan bigyan ng ultimatum ang mga Bicutan Boys na CSU at sabihan na unahin ang trabaho bago ang lakwatsa?!

Aba’y kung makarating kay Tatay Digong ang eskapohan na ‘yan baka magpadala na rin siya ng military diyan sa BI detention cell!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *