Saturday , November 16 2024

3 pulis-Caloocan sa Kian’s slay guilty sa murder

“GUILTY of murder beyond reasonable doubt” ang hatol laban sa tatlong pulis-Caloocan dahil sa pagpatay sa menor- de-edad na si Kian delos Santos, kasabay ng mala­wakang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Base sa desisyon ni Judge Rodolfo Azucena ng Regional Trial Court (RTC) Branch 125, ang mga akusadong sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jere­mias Pereda at PO1 Jerwin Cruz ay napatu­nayang nagkasala ng murder habang absu­welto ang tatlong pulis sa kasong pagtatanim ng ebidensiya kay Delos Santos, na 17-anyos pa lamang nang maganap ang krimen.

Batay sa desisyon ni Judge Azucena, ang mga akusado ay hinatulan ng reclusion perpetua “without eligibility of paroles” kasabay ng pag-uutos na bayaran ang pamilya ng Delos Santos ng halagang  P100,000 sa civil indemnity; P100,000 bilang moral damages; P45,000 sa actual damages, at P100,000 sa exemplary damages.

Sa record ng pulisya, naganap ang insidente noong 17 Agosto ng nakalipas na taon, ilang metro ang layo sa bahay ng biktima sa Caloocan City, sa ikinsang anti-drug operation ng mga awtoridad, kabilang ang tatlong akusado.

Samantala, hindi pina­boran ng korte ang paliwanag ng tatlong pulis na ipinagtanggol la­mang nila ang kanilang sarili nang manlaban si Delos Santos habang isinasagawa ang drug operation.

Matatandaan, inaku­sahan ng pulisya si Delos Santos na isa sa mga nagpapakalat ng ilegal na droga sa kanilang lugar ngunit mariing itinanggi ng kanyang pamilya ang akusasyon ng mga awtoridad at sinasabing masipag na estudyante ang kanilang anak.

Bukod kay Kian, dalawa pa ang sumunod na napatay ng mga awtoridad kabilang ang isang medor-de-edad, dahil sa pinaigting na operasyon laban sa ilegal na droga sa buong bansa at ito ay sina Carl Angelo Arnaiz, 19-anyos nang maganap ang insidente, at Reynaldo de Guzman alyas Kulot, na natag­puang nakalutang sa isang ilog sa Nueva Ecija.

(ROMMEL SALES)

Sa 3 convicted cops
PARDON
NI DUTERTE
POSIBLE
— HRW

NAGPAHAYAG ng pangamba ang Human Rights Watch sa posibi­lidad na bigyan ng pardon ni Pangulong Duterte ang mga pulis na hinatulan sa kasong murder kaugnay sa pagpatay kay Kian De Los Santos.

Ayon kay Brad Adams, Asia Director ng Human Rights Watch, habang kinikilala nila ang paghatol bilang isang importanteng hakbang para panagutin ang mga pulis sa extra-judicial killings, malakas ang pangamba nila na bibig­yan ng Pangulo ng pardon ang tatlong sangkot.

Unang conviction ito sa mga puwersa ng pamahalaan na sangkot sa drug war.

Ang biktimang si Kian de los Santos, 17-an­yos, ay pinatay noong Agosto 2017.

“But at the same time that we are heartened by this, we are also wary because Duterte has promised to pardon police officers convicted in the “drug war” killings. There is reason to suspect that he will keep that promise,” ani Adams.

Si Kian ay isa lamang sa higit 5,000 namatay sa drug war ni Duterte.

“That’s a lot of deaths that need to be thoroughly and inde­pendently investigated. This also underscores the need for the International Criminal Court to take further action on the complaints against Dute­rte,” ayon kay Adams.

Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, ang pardon sa mga pulis ay hindi makabubura sa kaisipan ng mga tao na guilty sa murder ang mga pulis. “He (Duterte) may pardon them but blood is on his hands. It will never erase the guilty verdict on the minds of our people,” ani Villarin.

Sinabi ni Magdalo Party-List Rep. Gary Alejano, ang pag-usad ng kaso ni Kian ay isang senyales na may pag-asa pa sa ating bansa.

“Ito ay simula pa lamang ng ating laban para sa hustisya at hindi dito nagtatapos ang lahat dahil marami pang mga naging biktima ang Oplan Tokhang. We must hold the perpetrators and enablers of crimes against humanity accountable,” pahayag ni Alejano.

“Matatandaan na kampanya pa lamang ay nangako siya na sasa­gutin [ang] mga pulis na makukulong habang patuloy ang kanyang kampanya laban sa droga,” ani Alejano.

Isa si Alejano sa nag-file ng kaso kay Duterte sa International Criminal Court (ICC).

“Nanggaling na mis­mo sa bibig ng Presidente na kasalanan niya ang extrajudicial killings sa bansa. We must take the necessary actions to hold him accountable since it seems like the President has co-opted our insti­tutions already. This is a step towards ending impunity in the country,” giit ni Alejano.

(GERRY BALDO)

PARDON
SA 3 PULIS
MALABO
— PALASYO

TINIYAK ng Palasyo, hindi bibigyan ng pardon ang mga alagad ng batas na sinadyang pumatay ng inosenteng sibilyan.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa pangamba ng ilan na gagawaran ng pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong pulis na hinatulan ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) ng reclusion perpetua sa pagpatay sa 17-anyos na si Kian delos Santos.

Convicted sa kasong murder sina PO3 Arnel Oares, PO1Jeremias Pere­da, at PO1 Jerwin Cruz.

Ani Panelo, bagama’t may mga nauna nang pahayag si Pangulong Duterte na ipa-pardon niya ang mga pulis at sun­dalong nakulong dahil sa pagtupad sa kanilang tungkulin, hindi aniya kinokonsinti ng Pangulo ang mga awtoridad na malinaw na may pagla­bag sa batas.

Sa kasong ito aniya ni Kian, sinabi ni Panelo na murder conviction ang desisyon ng huwes, ibig sabihin may intensiyong patayin talaga ang bik­tima.

Sinabi ni Panelo, sa kasong ito ni Kian, ipina­kikita na buhay at akti­bong gumagana ang judicial system sa bansa taliwas sa sumbong sa International Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong  Duterte na walang silbi ang hudi­katura sa bansa kontra sa mga insidente ng pagla­bag sa karapatang pan­tao.

Ayon kay Panelo, sa loob lamang ng anim na buwan ay nakuha ng pamilya ng biktima ang hustisya, patunay na nagtrabaho nang husto ang prosekusyon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rommel Sales

Check Also

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *