Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DJ Janna Chu Chu John Fontanilla
DJ Janna Chu Chu John Fontanilla

Janna Chu Chu ng Barangay LSFM at DZBB, Outstanding Asian DJ/Anchor sa World Class Excellence Japan Awards 2018

HAPPY ang Barangay LSFM 97.1 DJ at DZBB 594 anchor at columnist ng Hataw na si DJ Janna Chu Chu (John Fontanilla) dahil sa pangalawang award na kanyang nakuha ngayong taon.

Maaalalang unang ginawaran ng People’s Choice Awards 2018 ng Outstanding DJ/Anchor at sinundan naman ng Outstanding Asian DJ/Anchor sa World Class Excellence Japan Awards 2018 na ginanap sa Otani Hotel, Fukuoka Japan.

Ayon kay Fontanilla, “Isang malaking karangalan ang mapabilang among Asians na nabigyan ng award ng World Excellence Japan Awards 2018 bilang Outstanding DJ/Anchor.

“Kaya naman gusto kong pasalamatan ang bumubuo ng World Excellence Japan Awards lalong-lalo na si Ms. Emcor Emma Cordero (founder of World Class Excellence Japan Award).”

Mapakikingan si Janna Chu Chu sa Barangay LSFM 97.1 tuwing Sabado, 6:00- 9:00 a.m. sa Balita Sa Barangay kasama si Chiko Tito at tuwing Linggo 6:00-9:00 a.m. kasama naman si Papa Ding habang sa DZBB 594 naman ay napakikinggan ito tuwing Lunes hanggang Biyernes 2:30 to 3:30 p.m. sa Walang Siyesta.

Ambassador din ito ng Ysa Skin and Body Experts, Krispy Mushroom by Mush Better, Switch Limited PH., F & S Tailors, H & H Makeover Salon, Halimuyak Pilipinas, New York Spa, at Jewels Apparel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …