ANG mga kagaya ni resigned Presidential Adviser on the Peace Process secretary Jesus Dureza ang nakapanghihinayang na nawala sa burukrasya.
May paninindigan at may delicadeza na hindi natin nakikita sa ibang opisyal ng pamahalaan lalo na yaong mga matindi kung magkapit-tuko.
Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Dureza matapos sibakin ang dalawang opisyal ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) dahil sa korupsiyon.
Sinabi ni Pangulong Duterte, ikinalulungkot niyang tanggapin ang pagbibitiw ni Dureza dahil nadamay lamang sa isyu ng korupsiyon sa tanggapang kanyang pinamumunuan.
Inihayag ito ng pangulo kasabay ng pagsibak kay Usec. Ronald Flores, Undersecretary, Support Services and PAMANA National Program Manager, at Atty. Yeshter Donn Baccay, Assistant Secretary, Support Services and PAMANA Concerns.
Anang Pangulo, wala siyang plano na ilipat sa ibang puwesto si Dureza dahil walang bakanteng posisyon sa kanyang gabinete.
Pero malamang, hindi rin tatanggapin ni Dureza ang estilong recycle na posisyon para sa kanya, kasi nga may delicadeza siya.
Congratulations Sir, you’re one of a kind!
Hindi lang online
casino workers
CHINESE ‘PROSTI’
SANDAMAKMAK RIN
SA MACAPAGAL BLVD.
KUNG may mga nagpapagal para humanap ng ‘ginto,’ mayroon din mga lugar para magpalamig at magpapagpag ng pagod.
Ang tinutukoy natin rito ay mga Chinese nationals na ilegal na nagtatrabaho sa mga online gaming or casino at mga Chinese prostitutes na naglipana ngayon sa Macapagal Blvd.
Kakaiba ang siste ng mga babaeng Chinese na nagtatrabaho bilang prosti.
Pumapasok sila sa mga KTV Club hindi bilang guest relations officers (GRO) kundi mga pangkaraniwang customers.
Doon sila nangha-hunting mga parokyano.
Madali lang naman silang makilala. Saan ka naman nakakita na gabi-gabi ‘e nasa KTV club or bars.
Tumatambay sila sa mga KTV bar and clubs sa Macapagal at tinatatarget ang mga junket casino players.
Magaling sila umamoy kapag VIP casino players kaya ‘yun din ang kanilang tinatarget.
Kaya kung seryoso ang mga operatiba ng pamahalaan na wakasan ang pamamayagpag ng mga illegal alien sa bansa, kayang-kayang masakote ang mga ‘yan.
Pero duda tayo na timbrado rin ang mga ‘yan kaya nga malalakas ang loob na makagala sa nasabing area.
Ang tanong, kumikilos ba ang mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) laban sa mga Chinese nationals na ilegal na namamalagi sa bansa?!
Baka masagot ‘yan ng notoryus na Immigration fixers na sina Betty C. at Ana Sey?!
Ano kaya ang say ni Immigration high ranking official yellowtards?!
Pakisagot na nga po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com