BINIGYANG-DIIN ni Senator Ping Lacson na may panukala na isama sa tinatalakay na Anti-Terrorism Bills sa Senado, ang pagbabantay sa social media accounts.
Ayon kay Lacson, posible ang panukala kung igigiit ng gobyerno ang ‘police power.’
Ngunit sinabi ni Lacson, kailangan ng ibayong pag-iingat dahil maaaring magkaroon ng paglabag sa “freedom of speech” o “freedom of expression.”
Aniya, terorismo ang pinag-uusapan kaya’t dapat ay gawin ng gobyerno ang lahat para mapigilan ang ano mang “act of terrorism.”
Binanggit ni Lacson, may bansa na legal na napapakialaman ang social media accounts ng kanilang mamamayan upang mabatid kung makadaragdag pa ang mensahe sa banta ng terorismo. (C. MARTIN)