Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

MPD DD S/Supt. Vicente Danao Jr., ‘ipinanghaharabas’ ng nagpapakilalang bagman digs

ALAM kaya ni Manila Police District  (MPD) Director, S/Supt. Vicente Danao Jr., na isang nagpapakilalang ‘bagman’ Digs ang umiikot sa buong Kamaynilaan at ibinabando ang kanyang pangalan sa mga ilegalista?!

Ayon sa ating mga mapagkakatiwalaang sources, ikinokompriso umano ni bagman Digs ang pangalan ni DD Danao sa halagang P.8 milyon kada linggo.

Kaya nga raw umiikot ang wetpaks ng mga ilegalista at panay ang ‘parating’ sa tanggapan ni Digs.

Saan ba ang tanggapan ni Digs?!

Kaya nalulukot daw ang mukha ng mga ilegalista lalo ng isang illegal parking operator dahil dagdag ‘tara’ na naman sila.

Wala namang bago sa mga higing na ganito.

Normal na raw ‘yan sa isang ‘teritoryo.’ Kapag may bagong DD, natural kailangan ng bagong putahe.

Hindi uubra na kung ‘bagoong’ lang dati ang inihahain ganoon din sa bago.

Kailangan may improvement at at may increase.

Magtataka pa ba kayo kung bakit panay ang buntong-hininga ng illegal parking operators, illegal gambling operators, illegal vendors, iba’t ibang KTV bars at iba pang ‘lihim ng Guadalupe’ sa lungsod ng Maynila.

E paano kung namamayagpag pala ang mga ilegalista sa Maynila kapalit ng P.8 milyon kada linggo?

Aruyko!

Sasakit ang ulo ni Kernel Danao lalo’t mahigpit ang utos ni PNP chief, DG Oscar Albayalde  na panatilihing ‘makinang’ ang imahen ng pulisya.

Masyado na nga namang tainted ang imahen ng mga pulis kaya dapat na sila mismo ang kumilos para panatilihin ang kanilang kinang.

DD S/Supt. Danao, Sir, kapa-kapa sa ulo ninyo at baka lumalaki na ang ‘bukol’ ay hindi pa ninyo nahahalata?!

Totoo ba ang isiniserena ni bagman Digs, DD Danao?

Pakisagot na nga po!

NOTORIOUS
FIXERS SA BI
DAPAT IPATAWAG
SA SENADO

HAYAN na, ipinatawag na ng mga Senador ang mga ahensiyang Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagdagsa ng Chinese nationals sa bansa.

Dati, sa Binondo lang natin nakikita ang mga GI (Genuine Instik) dahil nandoon ang negosyo nila. Kapag nagawi sa Binondo, walang karapatang umangal kapag narinig silang maiingay sa kalsada, sa restaurant at sa iba pang area sa nasabing distrito.

Ngayon, nakagugulat, nakakasabay na rin sila sa mga mall, kahit sa mga Filipino restaurant at kahit sa ilang fastfoods.

Sabi nga, nandito na sila sa Filipinas, hindi bilang mga turista o investors kundi mga pang­karaniwang manggagawa o empleyado o construction workers.

Korek na may malaking tsek!

Maging ‘yung mga trabaho na nakalaan para sa mga Filipino ay pinapasukan na rin ngayon ng mga Chinese.

Maraming-marami sila lalo sa mga online casino, mga KTV bar, habang ‘yung iba ay ‘chemists’ ng ilegal na droga.

Siyempre, walang maisasagot ang mga opisyal ng DOLE at BI dahil ang alam nila ay ‘yung dokumentadong bilang ng mga Chinese nationals na nasa bansa.

Bakit hindi kaya subukang ipatawag ng Senado ‘yung dalawang notoryus na fixer sa BI Na sina Betty C. at Ana S.

Betty C. as in Chihuahua and Ana S. as in Sey.

Alam na alam po ‘yan ng mga taga-BI mismo pero hindi sila makakibo dahil protektado ang dalawang notoryus na fixer ng isang high-ranking official na kung tawagin ay ‘yellow­tards.’

Ang nakatatawa pa rito, biglang rumere­peke ang isang Ms. Dana na nagpapakilalang spokesperson na normal daw ang pagdami ng Chinese nationals sa bansa dahil gumaganda ang ekonomiya ng bansa.

Hello?!

E hindi naman turista at investors ang nagdadatingan kundi mga overseas Chinese workers na nakapagtatakang dito nagta­tra­baho gayong  maraming industriya sa kanilang bansa.

At karamihan pa sa kanila ay walang ‘working permit.’

‘Yan ba ang maunlad, Ms. Dana?!

Paano nakapamamalagi sa bansa ang mga Chinese nationals na hindi naman legal?!

Hindi ba’t  ang ibig sabihin lang niyan, may kumikitang mga ilegalista?!

Baka ‘yung ekonomiya ng mga fixer at protektor nilang ‘yellowtards’ ang gumaganda nila, hindi ang ekonomiya ng bansa.

Gets mo ba ‘yun Ms. Dana?!

Esep-esep din bago magsalita sa media.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *