Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hinamak na laking payatas Direk Reyno Oposa kaliwa’t kanan ang movie projects, trailer ng kanyang “Luib” marami ang humahanga

 

Ano kaya ang masasabi ng ya­bangerang starlet, sa pagiging in-demand ngayon ng Ontario Toronto, Canada based filmmaker na si Direk Reyno Oposa na hinahamak niya ang pagiging laking Payatas nito.

Well, mamatay ka na lang sa inggit dahil hindi lang dito sa Filipinas may pro­yekto si Direk Reyno, gayondin sa Canada at hinihintay na lang ang availability niya.

Sinayang mo ang pagkakataon kung naging mabait ka lang at ‘di naging mahadera ay baka lahat ng produce na movies ni Direk Reyno ay kasama ka. Kaso kung kani-kanino mo siya siniraan kaya magdusa ka.

By the way, ‘yung mga gagawing pelikula ng kai­bigan naming director na “Bahaghari Sa Alapaap” at “Dugyum (Kadiliman)” ay nakatakdang i-sumbit ni Direk Reyno sa Cinemalaya na kung papalarin ay magiging entry niya sa Cinemalaya 2020.

May gagawin rin siyang intended naman for  QCinema ang Dambana at ang Hiram Na Binhi. Marami pala ang humahanga sa inilabas na trailer ni Direk Reyno ng indie film niyang “Luib” na lahat ng cast ay pawang mahuhusay. At sa ganda ng pagkakagawa nito masasabing isa na namang dekalidad na pelikula ng nasabing director.

Papasukin na rin niya ang mundo ng recording sa nakatakda niyang shooting ng music video at recording ng kantang magiging soundtrack ng kanyang film. Ito ay iko-compose ng tanyag na kompositor na si Jimmy Borja.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …