ILILIPAT na ng pangunahing Philippine carrier Cebu Pacific (PSE: CEB) ang kanilang operasyon sa bagong Bohol Panglao International Airport simula ngayong Miyerkoles, 28 Nobyembre.
Ang bagong paliparan, na may kapasidad na hanggang dalawang milyong pasahero, ay papalitan ang Tagbilaran Airport, gayonman patuloy na gagamitin ng dating IATA (International Air Transport Association) airport code “TAG.”
Ang Cebu Pacific Flight 5J 619, mula sa Maynila, ang unang flight na lalapag sa bagong Bohol Panglao International Airport sa pagbubukas nito para sa commercial operations.
Ang flight ay nakatakdang umalis sa Maynila dakong 5:55 am at lalapag sa bagong paliparan sa Bohol dakong 7:30 am ngayong 28 Nobyembre.
Sa kabilang dako, ang return flight, 5J 620, patungo sa Maynila, ang unang paglipad mula sa bagong paliparan. Ang flight ay tinatayang aalis sa Bohol dakong 8:00 am, at tinatayang darating sa Maynila dakong 9:25 am.
Ang CEB ay bumibiyahe mula Tagbilaran simula noong 2004, inilipad ang halos 3,000,000 pasahero sa nakaraang mahigit 18 taon. Ang Cebu Pacific ay lumilipad nang tatlong beses kada araw sa pagitan ng Maynila at Tagbilaran; gayondin nang isang beses kada araw patungo at mula sa Cagayan de Oro (Laguindingan) at Davao via subsidiary Cebgo.
Sa 15 Disyembre 2018, sisimulan ng CEB ang daily connection sa pagitan ng Clark at Tagbilaran.
Napanatili ng Cebu Pacific ang pangunguna nito sa domestic market sa 77 destinations, 76 routes at mahigit 2,130 weekly flights.
Ang CEB ay nagpapalipad din sa 26 international destinations, sa mahigit 32 routes patungo sa Asia, Australia, Middle East at USA.