BUHOK, damit, sapatos, bag, porma at maging lengguwahe ng millenials, sinasakyan ngayon ng mga kandidato, lalo na ‘yung mga maagang pumalaot sa kanilang sorties.
Isa na riyan si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na kumakarera sa Senado.
Overacting at trying hard na raw ang dating ni Manang lalo na kung tumitirada ng Bboom Bboom dance ng Momoland.
Talaga naman trying very hard raw na makipag-K-Pop sa millenials.
Kaya kapag nakikita natin siya sa telebisyon o kaya sa social media, parang gusto kong matawa at maumay.
Minsan naman, may tiradang nag-a-ala-Miriam Santiago na panay ang hugot lines pero korni naman ang dating.
Sa totoo lang, gusto niyang maging “in” pero “out” pa rin.
In short gustong magpaka-millennials pero hindi naman bagay.
E paano naman Manang, huwag ka namang OA sa pagiging trying hard, e kung hindi tayo nagkakamali ‘dual citizen’ na kayo.
Act your age naman, nababawasan tuloy ang ‘bilib’ namin sa inyo.
Minsan nga narinig namin ‘yung isang grupo ng millennials, ang sabi: “Yuck iboboto ba ninyo ‘yan?”
O ‘di ba, hindi nakahahamig ng boto.
Kasi OA at plastic ang dating.
Unsolicited advice lang po, Manang Imee, huwag kayong sumakay o makiangkas sa ‘katig’ ng millennials, hindi kayo puwedeng makisabay sa kanila, lalo lang kayong nagmumukhang kulelat.
Huwag na kayong gumimik kung mayroon ka namang maipagmamalaking track records.
Matakot ka kung ‘yung mga dati mong inaangking accomplishments ay ‘press release’ lang pala.
‘Yun dapat kang mangamba.
Pero kung totoo naman ‘yang track record na ‘yan, tigilan na po ninyo ang kagigimik…
Kasi nakaka-ewww talaga!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap