Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sa banggaang Tugade vs Lizada matira matibay?

MUKHANG mayroong “Joan of Arc” ngayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang takot na nagsasalita para panindigan ang kanyang opinyon na lumalabag si Transportation Secretary Art Tugade sa anti-graft and corrupt practices act.

Mantakin ninyo, ganoon kalakas ang loob ni Atty. Aileen Lizada kahit na nga nagpahayag ang mga bossing sa Department of Transportation (DOTr) nang matinding babala na tigilan niya ang kadadakdak sa media.

Ang isyu ay kaugnay ng memorandum circular sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na lumalabag umano sa maraming batas.

Naninidigan kasi si Secretary Tugade sa inilabas niyang Department Order No. 2018-025 kaugnay sa PITX at pahayag ng suporta sa LTFRB Memorandum Circular No. 2018-022.

Binigyan-diin ni  Tugade na ang inuilabas niyang kautusan ay pabor sa commuters.

Kasabay nito, ‘hinambalos’ si Atty. Lizada sa kanyang dissenting opinion na umano’y direct assault laban sa department order.

Nauna nang sinabi ni Lizada na ang department order ay tahasang may paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Civil Code at Administrative Code.

Ayon kay Tugade si Lizada umano ay dapat na nakikipag-usap sa kanyang mga superior at hindi sa media.

“The DOTr strongly reminds Lizada to address her issues regarding DO 2018-025 and MC 2018-022 directly with the board and if she fails to convince the board, to take it up with her superiors in the DOTr, instead of peddling her opinions to the media,” pahayag ni Tugade.

Pero ang tanong ng mga apektadong moto­rista at pasahero, ‘yung ‘memorandum’ ba talaga ang isyu rito o mayroong mas malalaim na isyu?!

Ang isang nakapagtataka rito, kung ipina­tayo na ang PITX na ang layunin ay makatulong sa pagluluwag ng trapiko, bakit mayroon pang mga bus na biyaheng Batangas at Cavite na nakikitang may terminal sa Maynila, partikular sa Lawton at sa Pasay, partikular sa Buendia?!

Kung sumusunod ang ibang pribadong kompanya ng bus at iba pang anyo ng land transportation na legal na bumibiyahe patungong Batangas at Cavite na mag-terminal sa PITX, bakit nga naman mayroon pang dumederetso sa Pasay at sa Maynila?!

Bakit pa ipinatayo ang PITX kung mismong ang mother agency ng transportasyon ang lalabag sa layunin nito?!

Sa totoo lang, lalong nalito ang mga pasahero.

Marami kasi ang nag-akala na fully-operated na ang PITX.  Pero natuklasan nila na hanggang 9:00 ng gabi lamang  ang mga bus sa PITX.

Wattafak!

Ang laking kuwarta ng gobyerno ang ipinagpatayo sa PITX, pagkatapos hindi pa nga masyadong fully operated ay nagmumukha nang ‘white ele­phant?’

Hindi tuloy natin maintindihan kung ang bangayan ng mga opisyal ng DOTr at LTFRB ay pala­bas lamang upang manahimik sa pagre­reklamo ang mga pasahero.

Siyempre, sasabihin ng mga pasahero, o nag-aaway na ‘yung mga opisyal, huwag na tayong makisawsaw diyan, tutal may nasasakyan pa naman tayo.

‘Yung iba naman, ang sinasabi, “Hayaan muna nating tumining ang mga away nila bago tayo pumasok diyan.”

E ano naman ‘yung hindi maitagong bulungan na mayroon daw ilang kompanya ng bus ang ‘nag-put’ sa LTFRB at DOTr para hindi ilipat ang terminal nila sa PITX?!

‘Yun kaya ang tinutukoy ni Atty. Lizada na paglabag sa anti-graft and corrupt practices?

Ibig bang sabihin, nagkabukulan ‘in lieu’ of PITX?!

Arayku!

Aba kapag nagkaganyan, e hindi nga kayo lulubayan ni Atty. Lizada riyan.

‘Di ba, Atty. Delgra?

Alalahanin ninyo, ‘Joan of Arc’ ‘yan. Su­mu­sugod kahit kahit solo katawan lang.

Sumuko nga ang UBER ‘di ba?

This time sino kaya ang matitirang matibay? Si Sec. Art o si Atty. Aileen?!

Abangan!

AWARD-BOLA
TINABLA
NI PRESIDENTE
DUTERTE

GUSTO natin ‘yung sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nandoon siya sa Cavite.

Ayaw niya ‘yung iniimbita siya pagkatapos ay bibigyan siya ng award o plaque.

Hindi raw dapat ginagawa ‘yun.

Hehehe!

Oo nga naman. Ano ba ang palagay ninyo sa Pangulo, mabobola ninyo sa ganyang estilo?!

Kung sa bagay, usong-uso ngayon ‘yan. Kahit hindi naman sila award giving body e namimi­gay ng ‘plaque of recognition.’

E matagal nang kinilala si Pangulong Digong. Kaya nga ibinoto siya ng  16 milyong Filipino, dahil bumilib sa galing niya.

Sana, ganyan din ang maging asal ng iba pang opisyal ng Duterte administration lalo na ‘yung mga itinalaga niya.

‘Yun bang tipong kulang na kulang sa recognition noong panahon ng kanilang kaba­taan kaya ang ginagawa ngayon ay gumagawa ng sariling ‘award’ para sa sarili nila, gamit ang iba’t ibang uri ng organisasyon?!

Yucky!

Konting  delicadeza naman diyan!

Alam n’yo naman na ‘raket’ lang ‘yan ng ibang organisasyon, e nagpapauto naman kayo…

Kung alam ninyong walang dahilan para bigyan kayo ng award, umiwas kayo at huwag tanggapin.

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *