Friday , November 15 2024

FDA ng US tinanggap ang Dengvaxia, sa PH pilit itong isinasangkot sa politika

ISANG taon nang pinopolitika ang Dengvaxia. Pero sa kabila nito, tinanggap na ng United States Food and Drug Administration ang biologics license application ng Sanofi Pasteur kamakailan lamang.

Ang Estados Unidos na napakahigpit na bansa ay tinanggap ito bilang kauna-unahang bakuna laban sa dengue. Napakagandang balita po nito kung tutuusin lalo sa mga bansang endemiko ang dengue tulad ng Filipinas.

Sa ating bansa lamang may naitalang paglobo ng kaso ng dengue na umabot sa 138,444 batay sa Department of Health mula Enero hangang Oktubre ngayong 2018 na halos 21 porsiyentong pagtaas kompara noong 2017.

Nakababahala rin na napakalaki ng ibinaba ng bilang ng mga nagpapabakuna dahil na rin sa mali-maling impormasyon na kumalat ukol dito. Malaking problema ito kapag nawalan ng tiwala sa bakuna ang publiko dahil lalala ang mga sakit at magiging malaking problema ito ng pamahalaan kapag nagkataon.

Sa totoo lang, sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lang talaga nagkaroon ng kasagutan ang dengue sa ating henerasyon. Nagpapatunay ang pagtanggap ng US FDA na kinikilala sa buong mundo ang nasabing bakuna bilang epektibong panlaban sa dengue.

Naging matagumpay ang testing ng dengvaxia sa maraming lugar at nasubukan din ito sa 40,000 katao sa 15 bansa. Mataas din ang pagpa­pahalaga ng buong Amerika sa bakunang ito dahil noong 2010 ay halos 12,000 kaso sa Puerto Rico at US Virgin Islands na endemiko rin ito.

Nakatakda na rin magbigay ng market authorization ngayong taon para sa nasa­bing bakuna ang European Health Com­mission ng European Union.

Sa Asya, patuloy ang pagtangkilik katulad ng bansang Singapore na kinikilala ito bilang kauna-u­na­hang baku­na laban sa ma­pa­­muksang de­ngue. Sa Brazil at Me­xico ay ginamit ito sa national immunization pro­grams.

Ang Stra­tegic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE) ng World Health Organization (WHO) ay nag­lahad rin ng ulat ukol sa “public health value” ng dengvaxia no­ong mga naka­raang buwan lamang. Kaya nga nakaka­pagtaka kung bakit sa ating bansa ay mayroong alingasngas laban sa dengvaxia. Nakalulungkot na masyadong nadadala sa politika ang isang bakuna na napakahalaga sa bansang katulad natin. ‘Eto na ang magandang pagkakataon sana para mapuksa ang nakamamatay na sakit pero napopolitika lalo na ngayong mag-eeleksiyon.

Tigilan na ang walang basehang mga kaguluhan. Huwag din gamitin ang buhay ng mga biktima para lang magamit sa pamomolitika. Wala pang napatunayang kaso na direktang nag-uugnay sa dengvaxia sa mga nabiktima kaya’t huwag nating hayaan kumalat ang maling impormasyon dahil kawawa ang mga kababayan nating tuluyan nang natakot magpabakuna. Tuluyang malalagay sa alanganin ang kalagayan ng public health ng ating bansa kung patuloy nating hahayaan na magamit sa politika ang mga isyung ito.

Huwag sana nating isakripisyo ang buhay ng libo-libo nating mga kababayan na maaaring masagip, dahil lamang sa pamomolitika ng iba. Ilabas natin ang katotohanan na pinatutunayan ng pagrespeto ng iba’t ibang malalaking bansa ukol sa bakunang ito. Ang sakit na dengue ang tunay na kalaban at ito ang kailangan nating wakasan.

ABOT-SIPAT
ni Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *