PAANO kung hanggang ngayon ay nangmomolestya pa rin ng mga bata sa Masbate ang pari na ‘yon na nanglapastangan kay 2013 Miss International Bea Rose Santiago noong bata pa siya?
‘Yan ang dahilan kung bakit may mga mamamayan na nagsasabing kailangang ibunyag ni Bea ang pangalan ng pari na ‘yon, lalo pa’t sa pagsasalita n’ya sa kanyang Facebook post, matatanto na parang alam n’ya na buhay pa ang pari at ”still preaching somewhere in Masbate.”
Bagama’t di malaking isyu rito sa atin, kasama tayo sa listahan ng mga bansa na malaki ang bilang ng mga pari na sex abusers. Sa Hollywood film na Spotlight, na nanalong Best Picture sa Oscar’s ng Amerika noong 2016, may inilabas na listahan ng mga bansa na may nagaganap na imbestigasyon tungkol sa sex abuse ng mga pari, at nasa listahan ang Pilipinas.
Ipanalangin natin na magkalakas ng loob si Bea na ibunyag ang pangalan ng pari para maiiwas sa kanya ang mga bata. Inamin naman n’ya sa paskil n’ya sa Facebook na worried siya na baka isang araw ay pagsisihan n’ya ang ginawa n’yang pagtatapat ng mga dinanas at nasaksihan n’yang sexual harassment, kaya’t kailangan ding ipagdasal natin siya na huwag n’yang ika-trauma ang pagtatapat n’ya. Hanggang noong international beauty titlist na siya, dumaranas pa rin siya ng sexual harassment.
Sa Cataingan, Masbate nanirahan si Bea Rose noong bata pa siya, ayon sa Wikipedia, bagama’t sa Muntinglupa siya ipinanganak. Palaki siya ng mga lolo at lola n’ya, pero ‘di nilinaw sa Wikipediakung sa mother’s side o father’s side n’ya ng grandparents ang nag-alaga sa kanya roon.
Mukhang napakaliblib na lugar ang Cataingan. Ang distansya nito ay 77 kilometers southeast of Masbate City. Hanggang ngayon ay malamang na kaunti pa rin ang populasyon ng bayan na ‘yon.
Ayon pa rin sa Wikipedia, ”In the 2015 census, the population of Cataingan was 50,327 people, with a density of 260 inhabitants per square kilometer or 670 inhabitants per square mile.”
Parang isang lugar talaga ang Cataingan na parang madali lang makapagmolestiya ang mga paring dayukdok: maliit lang ang density ng bilang ng naninirahan per square kilometer.
Lumikas ang pamilya ni Bea Rose sa Canada noong 15 years old pa lang siya. Ang Canada ang ini-represent ni Bea Rose sa mga beauty contest na sinalihan n’ya rito sa bansa mula noong 2012. NagingMutya ng Pilipinas muna siya bago siya naging Bb. Pilipinas International at Miss International noong 2013.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas