HINDI itinanggi ng manager ng Clique V na si Ms. Len Carillo ang pagkadesmaya kay Rocky Rivero. Si Rocky ang dating miyembro ng all male group na Clique V na inalis na dahil sa pagiging pasaway nito.
“Na-hurt ako, na-hurt ako. Kahit sinong tao mahe-hurt, ‘di ba,” sambit ni Ms. Len.
Dagdag niya, “Dumating ako sa point na na-disappoint ako, normal naman ‘yun, tao lang ako, Siyempre nasaktan ako dahil parang anak ko na sila pero ‘yung sampung mali na ‘yun, mayroon akong isang reason na dapat hindi ko i-give up ang Clique V. Kasi, nandiyan pa ‘yung walong Clique V ko na marespeto sa akin, sa management and ‘yung loyalty nandiyan. Kasi alam mo for me ha, eto hindi sa pag-aano, wala, in general ko ‘tong sasabihin ha… kasi kung ang management ang may problema, for me siguro ang unang-unang dapat sumipa sa Clique V ang mga pioneer, ang mga original, hindi ang baguhan. For me ha, ‘yun ang thinking ko.”
Nagkamali ba siya sa desisyon na kunin noon si Rocky? “Hindi ko puwedeng sabihing pagkakamali, thankful nga ako na nangyari ito. Saka ako, naniniwala ako everything happens for a reason. Na feeling ko nga mahal pa nga ako ako ni Lord, kasi maaga pa lang nakita na e, nalaman na. What more kung talagang nagkapangalan na, sumikat, baka kainin na kami nang buong-buo.”
Nabanggit din niyang sa simula pa lang ay may senyales na sa pagkakaroon ni Rocky ng attitude. “Actually, pagpasok pa lang niya, mayroon na talaga. So tumino siya around September. Because, before the debut, ‘yung buong month ng September hanggang nag-birthday siya ng October 7, ang tino niya noon. Straight lahat ng rehearsals, lahat ng show, dumarating siya.”
Ano’ng hindi matino ang ginagawa ni Rocky? “May mga shows na hindi uma-attend. Halos lahat ng rehearsals, kapag may schedule sila, hindi siya on time,” saad ng lady boss ng 3.14 Talents Management.
Ganito rin ang naging pahayag ni Ms. Kim Agravante, Road Manager ng Clique V, na sinabing noong una ay okay ang trabaho ni Rocky ngunit noong bandang huli ay naging unprofessional siya.
Sa ngayon, kahaharapin ni Rocky ang asuntong ihahain ng 3.14 Talents Management. Samantala, ang member ngayon ng Clique V ay sina Marco Gomez, Clay Kong, Karl Aquino, Sean de Guzman, Kaizer Banzon, Gabby Villamor, at Calvin Almojera at tuloy ang mga pinagkakaabalahan ng kanilang grupo para mas maging maayos pa ito.
Bukod sa pelikulang Codep ni Direk Neal Tan, maraming projects ang nakalaan sa Clique V, pati na sa Belladonnas. Kabilang na rito ang bagong movie at back to back concert ng Clique V at Belladonas sa Skydome sa February 23 2019.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio