INAPROBAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon ang P2 dagdag presyo para sa branded loaf bread.
Sinabi ni DTI Consumer Protection Advocacy Bureau director Dominic Tolentino, ang kanilang hakbangin ay bunsod ng price hike ng mga sangkap sa paggawa ng tinapay tulad ng arena at asukal.
Ayon sa DTI, sa P2 dagdag-presyo ay hindi sakop ang pandesal, low-cost Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal.
Itinanggi ni Tolentino na tinangka nilang ilihim ang pagpapatupad ng price hike sa tinapay.
Habang nagulat si Vic Dimagiba, pangulo ng Laban Konsyumer ukol sa pagtaas ng presyo ng branded loaf bread na umabot sa P62 hanggang P64 kada 600-gram pack.
Ito ay dahil walang abiso ang DTI hinggil sa dagdag-presyo sa tinapay.
Magugunitang inihayag ng millers nitong nakaraang buwan na walang pagtaas sa presyo ng wheat.
ni JAJA GARCIA