Thursday , November 21 2024
NUJP Sign Against the Sign
NUJP Sign Against the Sign

NUJP’s “Sign Against the Sign” campaign dapat suportahan ng media workers

DAPAT suportahan ng mga mamamahayag ang signature campaign ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na “Sign Against the Sign.”

Layunin nitong i-repeal ang batas na nag-aatas sa mga kasapi ng media na lumagda bilang saksi o testigo sa isang anti-drug operations na isinagawa ng mga alagad ng batas.

Sa pamamagitan ng nasabing signature campaign, layon ng NUJP na hikayatin ang Kongreso na amyen­dahan ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na tanggalin ang mga mamamahayag bilang potential witnesses sa imbentaryo ng kontrabando at iba pang items na nakompiska sa anti-drugs operations dahil nalalagay sa panganib ang buhay nila.

Bukod diyan, bukas na bukas ang media workers sa harassment ng sindikato ng ilegal na droga at ‘yung iba naman ay unaware na nagiging ‘kasabwat’ sa isang situwasyon na hindi nila alam kung totoo o hindi.

Ang paglagda kasi ng mga mamamahayag sa police operations ay hindi lamang nagpapatunay na mayroong naganap na police operations kundi nagpapatunay rin na ang mga suspek ay nahulihan ng nasabing mga kontrabando.

E sa totoo lang, hindi naman kasama sa kabuuan ng plano at operasyon ang mga mamamahayag.

Ayon sa NUJP, naamyendahan na ito sa pamama­gitan ng Republic Act 10640, na optional na lang ang kinatawan ng National Prosecution Service at media.

Pero sa kabila nito, may mga ulat na may mga alagad ng batas na pinipilit ang mga mamamahayag lalo sa mga lalawigan na lumagda bilang witness.

Napipilitan naman ang mga mamamahayag na lumagda kasi kapag hindi sila nagpakita ng kooperasyon ay hindi na sila isasama sa mga susunod na operasyon.

Huwag na po tayong lumayo ng halimbawa, rito lang sa Metro Manila ay maraming photo­journalists ang napipilitang ‘makisama’ sa mga pulis kasi nga hindi na sila isasama sa mga susu­nod na coverage.

Kapag hindi naman nakadalo sa “hearing” sa korte ang mga nakapirmang mga mamama­hayag, padadal­han ng bench warrant at pagmu­multahin pa ng korte.

Pero ang higit na mapanganib dito ay ‘yung napagbabantaan ang kanilang buhay ng mga sindikato o ng ‘ninja cops’ kasi nga pumirma sila.

Mabuti na lamang at nandiyan ang NUJP para pangunahan ang kampanya sa isyung ito.

Diyan natin nakikita ang tunay na malasakit ng mga namumuno sa isang samahan ng mga mamamahayag. Hindi gaya ng iba riyan na naglilider-lideran ng isang organisasyon pero ginagamit lang para sa kanilang pansariling interes at agenda.

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *