KAPANSIN-PANSIN na mukhang mas open na ngayon si Sunshine Cruz sa kanyang relasyon sa kanyang inaamin na niyang boyfriend na si Macky Mathay. Karapatan naman niya iyon at siguro wala na ngang masasabing kahit na ano sa kanya, after all napatunayan na sa hukuman na wala naman palang bisa ang naging kasal nila ni Cesar Montano.
Iyon ang kahulugan ng annulment. Hindi iyon isang deklarasyon na malaya na siya mula sa isang kasal, kundi sinasabing walang bisa ang kanilang kasal simula’t simula. Hindi naman apektado ang pagiging lehitimo ng mga anak, dahil maliwanag na nang ipanganak sila ay may “presumption of marriage”.
Eh legally wala naman pala siyang naging asawa, eh ano ngayon kung may boyfriend na siya?
HATAWAN
ni Ed de Leon