Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
aldub alden richards Maine Mendoza

Sa paglamig ng AlDub, popularidad ni Alden, bumaba

UMAMIN na rin si Alden Richards na alam niyang siya ang sinisisi ng marami kung bakit hindi naging totoo ang love team nila ni Maine Mendoza. Hindi natin maikakaila na may panahong walang makatapat sa kanilang popularidad noong kasagsagan ng kanilang love team.

Maaari rin namang sabihing iyon din ang naging height ng popularidad ni Alden, dahil bago naman iyongAlDub hindi siya sumikat ng ganoon. Mapapansin din naman na ngayong lumamig na ang AlDub, hindi na rin ganoon katindi ang kanyang popularidad.

Pero ang sinasabi nga ni Alden, hindi naman puwedeng magpanggap na lang sila habang panahon, at saka in fairness, si Maine naman ang unang umamin na ang kanilang love team ay, ”for professional reasons lang”.

Sa buong panahon ng kanilang love team, wala talagang ligawang naganap. Ok lang naman iyon kaysa naman sa paglaruan nila ang kanilang emosyon dahil lamang sa kanilang love team. Magugustuhan pa ng fans na binobola lamang sila kahit na sa totoo lang ay wala naman silang relasyon? Lalo na nga sa kaso ni Maine na hindi naman talaga sanay pa sa showbusiness. Hindi niya kayang magpaka-plastic.

Actually matapos na umamin si Maine ng katotohanan, nagsimula ngang manlamig ang love team. Noong una, si Maine ang bina-bash dahil nakikita siyang may ka-date na iba. Pero nang malaunan, ang napagbalingan nila si Alden, kasi bakit nga ba naman gagawin iyon ni Maine kung nanliligaw din si Alden.

Iyong pag-amin naman ni Maine na hindi siya totoong nililigawan ni Alden ay dahil nakunsumi na rin siya sa mga basher na lahat ng mga nagiging kaibigan niya ay inaaway nga ng bashers.

Ngayon maliwanag na ngang wala na talaga ang AlDub.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Sunshine, open na sa relasyon nila ni Macky Mathay
Sunshine, open na sa relasyon nila ni Macky Mathay
Atty. Falcis, may bagong inaaway
Atty. Falcis, may bagong inaaway
Alessandra, may pauso sa pagpapakalbo?
Alessandra, may pauso sa pagpapakalbo?
Gumawa ng mga Marvel character, pumanaw na
Gumawa ng mga Marvel character, pumanaw na
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …