Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atty. Falcis, may bagong inaaway

NAG-POST na naman si Atty. Jesus Falcis, siya iyong abogadong nakagalitan ng Korte Suprema noong dumating na hindi tama ang bihis ayon sa protocol, nang magkaroon ng oral arguments sa kanyang ipinaglalaban noong karapatan ng LGBT o mga bakla at tomboy. Siya rin iyong nanggagalaiti laban kay Aga Muhlach nang sabihin ng actor na sobra na ang pagtutungayaw ni Senador Antonio Trillanes.

Walang dudang si Falcis ay kabilang din sa mga “dilawan” bukod nga sa “LGBT”.

Ngayon may bagong inaaway si Falcis. Wala naman siyang tinutukoy na pangalan. Ang sinasabi niya ay si “rich girl gone crazy ala gone girl”. Nilalait niya si “rich girl gone crazy” dahil daw sa kung ano-anong kondisyon noon para mapag-usapan ang isang kaso.

In the first place, sinasabi niyang hindi totoo ang ibinibintang sa “kanyang ipinagtatanggol”. Sabi ri niya binantaan ni rich girl gon crazy, ala gone girl, ang buhay ng kanyang ipinagtatanggol.

Nagbanta rin siya na baka hindi alam ni “rich girl gone crazy” na sila ay pamilya ng mga “fighter” lalo na ang nanay nila.

Sinundan pa niya iyon na “baka kung anong sakit na naman ang makuha mo oras na kami na ang naglabas ng mga alas namin”. Pinag-iingat din niya si “rich girl gone crazy” na kung gagamitin niyon ang kanyang mga “PR connection” para siraan ang kanyang ipinagtatanggol, “baka tamaan ka ng mas matinding publisidad na hinahanap mo”.

Dinugtungan pa niya iyon ng “remember, kay Duterte nga hindi ako takot sa iyo pa.”

Mukhang malalim ang pinaghuhugutan ngayon n Falcis. Ayaw naming gumawa ng speculations pero mukhang ang sinasabi niyang “rich girl gone crazy” ay may problema sa pamilya nila kaya pati ang ermat niya ay kasali sa usapan. Ano kaya iyon?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Sunshine, open na sa relasyon nila ni Macky Mathay
Sunshine, open na sa relasyon nila ni Macky Mathay
Alessandra, may pauso sa pagpapakalbo?
Alessandra, may pauso sa pagpapakalbo?
Sa paglamig ng AlDub, popularidad ni Alden, bumaba
Sa paglamig ng AlDub, popularidad ni Alden, bumaba
Gumawa ng mga Marvel character, pumanaw na
Gumawa ng mga Marvel character, pumanaw na
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …