Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea, tinantanan na ng bashers

RAMDAM ni Andrea Torres na nababa­wasan na ang mga basher niya; nagsimulang dumami ang mga basher niya nang isama siya sa Victor Magtanggol.

Sa palagay niya ay bakit tinigilan na siya ng mga basher?

“Siguro nakatulong din na hindi ko na pinapalaki ‘yung… kung ano man ‘yung issues na ibinibigay sa akin, hindi ko naman ugaling palakihin.

“Kahit ‘di ba may option ka naman talagang… lalo na social media puwede mo namang i-post or puwede kang mag-react talaga anytime, pero mas gusto ko kasi tahimik lang.”

O naniniwala ba siya na sa wakas ay natanggap na ng ibang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na magkatrabaho lang talaga sila ni Alden?

May mga Aldub fan kasi, although hindi naman lahat, na nagselos kay Andrea nang napasama sa cast ng serye ni Alden.

“Siguro nakita nila ‘yun na ano, professional naman ako sa lahat ng soap na sinalihan ko.

“More on work talaga, at saka kasi ano ako eh, parang hindi naman ako nagwo-work lang dahil lang… of course, given na gusto ko ‘yung trabaho ko, pero mayroon din akong goals for my family, so ‘yung focus ko nandoon talaga,” pahayag pa ni Andrea.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …