NATATANDAAN namin, noong araw basta ang isang babae ay pinaparusahan ng kanyang mga magulang, na ang karaniwang dahilan ay “kalandian”, kinakalbo ang babae para hindi makalabas ng bahay. Kasi noong panahong iyon, aba eh kahihiyan ang maging isang babaeng kalbo.
Pero iba na ang panahon ngayon. Nagulat kami nang makita namin si Alesandra de Rossi na kalbo. Hindi naman siguro siya naparusahan, pero ewan kung anong uso iyong ginawa niyang pagpapakalbo.
Maaari naman siyang magsuot ng wig kung sakaling kailangan siya sa role na may buhok, pero bakit nga ba nagpapakalbo ang mga babae ngayon?
Tita Maricris, ikaw ba magpapakalbo ka? (Wish ko po ‘yun—ED)
HATAWAN
ni Ed de Leon