SINGAPORE – Ginarantiyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong suporta sa mga ginagawang hakbangin ng ASEAN sa pagbibigay ng humanitarian assistance para sa mga apektadong komunidad ng Rakhine state.
Sa ‘intervention’ ng Pangulo sa isinagawang working dinner kasama ang iba pang ASEAN leaders, hinikayat ng Pangulo ang kanyang mga kapwa lider na, magtulungan upang ugatin ang pinagmulan ng karahasan sa Western Myanmar.
Bukod dito, umapela rin si Pangulong Duterte sa paglikha ng isang kaaya-ayang komunidad para sa mga naapektohan ng gulo at matulungang makabangon upang makapagsimula ng panibagong buhay.
Ang krisis sa Rohingya ang itinuturing na pinakamalalang humanitarian crisis sa East Asia.
Tinatayang nasa 720,000 Rohingya refugees ang nagpilit na makarating sa Bangladesh at ngayo’y nasa Cox’s Bazaar, itinuturing na pinakamalaki ngayong refugee settlement sa buong mundo. (ROSE NOVENARIO)