SINGAPORE – Malaking karangalan para sa Filipinas ang pagkakapanalo ng Filipina na si Ms. Erlinda Uy Koe ng ASEAN Society Philippines at ng ASEAN Autism Network (AAN), sa ASEAN Prize 2018, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Ms. Koe ay ginawaran ng premier award sa Opening Ceremony ng 33rd ASEAN Summit and Related Summits sa Singapore kahapon.
Mismong si ASEAN 2018 chairman at Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong ang naggawad ng parangal kay Koe habang saksi si Pangulong Duterte.
Bukod sa tropeo, tumanggap din si Koe ng $20,000.
“At the outset, allow me to welcome the launching and establishment of the ASEAN Prize. The Philippines is honored by the conferment of the premier award to Ms. Erlinda Uy Koe, whose work with ASEAN Society Philippines and ASEAN Autism Network has touched the lives of persons with autism and their families across the region,” ani Pangulong Duterte.
(ROSE NOVENARIO)