Friday , December 27 2024
Aiko Melendez Tell Me Your Dreams
Aiko Melendez Tell Me Your Dreams

Tell Me Your Dreams, tribute para sa mga guro

DEDIKASYON, determinasyon, at sakripisyo ng pagiging isang guro ang ipinakikita sa pelikulang Tell Me Your Dreams na pinagbibidahan ni Aiko Melendez. Tinatalakay din sa pelikula na hindi hadlang ang kahirapan para magtagumpay.

Itinataguyod ng Tell Me Your Dreams ang values formation ng mga bata, ang karapatan nila sa tamang edukasyon, pagbibigay importansiya sa mga katutubo, at ang ‘di mapantayang dedikasyon ng mga guro sa kanilang pagtuturo.

Ang makabuluhang pelikulang ito ay idinirehe ni Anthony Hernandez at ipinrodyus ng Golden Tiger Films. Mapapanood ito exclusively sa Starmall at Vista Cinema sa December 5.

Noong isang buwan, nagkaroon ito ng special screening sa Hoops Dome Arena sa Cebu na nagtungo roon ng personal si Aiko. Umapaw ang tao sa Hoops Dome na umabot ng humigit kumulang sa 5,000 ang dami kaya naman tuwang-tuwa si Aiko. Kasama niyang nagtungo sa event ang boyfriend niyang si incumbent Subic Mayor Jay Khonghun.

Ayon kay Direk Anthony, plano niyang isali ang pelikulang ito sa Orange Film Festival sa Turkey.

Saad ni Direk Anthony, “Actually, nagbukas kasi ang Vista Mall at Starmall, nag-open sila sa amin para mabigyan ng opportunity iyong pelikulang ‘Tell Me Your Dreams’ na mapanood exclusively sa kanilang mga sinehan. Hindi naman sa pagyayabang, iyong movie ay naging trending noong nagkaroon kami ng special screenings.

“Gaganapin ang press preview at premiere night ng Tell Me Your Dreams sa Dec. 1 sa Evia Mall at sa Dec. 5 ang exclusive screening nito sa mga sumusunod na malls: Starmall Edsa Shaw, San Jose Del Monte, at sa Alabang. Sa Vista mall naman sa Daang Hari, sa Evia ‘yung sa Alabang din, and then sa Pampanga, sa Bataan, Taguig, Sta. Rosa, Laguna and Las Piñas. And then Naga, 11 cinemas, lahat puro mall ni Senator Villar.”

Nabanggit din niya ang paghanga sa galing ni Aiko bilang aktres. “Talagang ever since ay bilib ako kay Aiko Melendez, but nang nahawakan ko siya bilang director, nakita ko talaga nang personal iyong galing niya. Very, very happy ako sa performance ni Aiko rito. Bilib talaga ko sa professionalism at galing ni Aiko.”

Ani Aiko, “I played the role of Divina, teacher ako rito na dedicated sa trabaho, na even my own kids ay talagang minsan ay nag-suffer dahil sa sobrang pagiging dedicated ko bilang teacher.

“Nang time na nag-decide akong magbalik sa teaching sa mga Aeta, sa mga bundok-bundok iyon eh, mayroon akong isang estudyante na naaksidente. Roon na iikot ang story, hanggang sa natanggal ako bilang teacher, na-depress ako and then something will happen in the end. But ang moral of the story, at the end of the day ay bayani talaga ang mga teacher. Iyon ang makikita rito dahil ‘yung love and dedications nila, kahit hindi nila kamag-anak o kaano-ano.” (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *