Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mga arogante at masusungit na sales staff ng Duty Free PH

DAHIL sa karanasan ng isang kaanak natin nitong nakaraang linggo sa Duty Free Philippines, muling nabuhay sa alaala natin ang naranasan din ng isa nating katoto sa nasabi ring shopping center.

Heto ang isa sa paulit-ulit na karanasan ng consumers o customers sa Duty Free Philippines diyan sa Sucat, Parañaque City.

Pumila sila sa isang mahabang pila para pagdating sa unahan ay sabihin lang sa kanila na, “Ay mali ang pila ninyo!”

Nang sabihin no’ng customer na, sana’y naabisohan nang maaga para hindi sana nasayang ang oras niya, aba imbes mag-sorry ay bigla nang lumabas ang kaangasan ng sales staff.

Hindi na nga nag-sorry, nagmalaki at naghamon pa sa pamamagitan ng pagsasabing, “O sige ‘eto ang pangalan ko, piktyuran mo ang ID ko!”

Wattafak!

Ang tamang gawi dapat ay i-assist ng sales staff ang customers pero mukhang hindi ganoon ang orientation ng Duty Free management sa mga tao nila.

Ang asta nila ay parang sila ang may-ari ng Duty Free at ang mga customers ay iniismol-ismol lang nila lalo na ang mga overseas Filipino worker (OFW).

Hindi na tayo nagtataka kung bakit ang ‘sinasamba’ ng mga ganitong empleyado ay ‘yung mga opisyal na ‘namimili’ sa Duty Free kahit walang cash.

Noong araw, ang joke na ‘bilmoko’ ay na­nga­ngahulugan lang na maluho. Pero sa panahon ngayon, may mga opisyal umano ng Duty Free na hindi lang ‘bilmoko’ kundi  ‘cashless’ at ‘swipeless’ kung mamili…

Magtataka pa ba tayo kung bakit nalulugi ang Duty Free?!

Umiiwas na ang mga customers dahil sa pagiging bastos, maangas, at impolite ng mga sales staff.

Mukhang dapat tutukan ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat ang Duty Free. At dapat na rin isalang sa audit ng Commission on Audit (COA).

Paging Secretary Berna!

POSTER NG ANAK
NI LAARNI NAGKALAT
SA SAMPALOC

Sir Jerry,

Magandang umaga po.

Dito na po ako lumaki sa Sampaloc. Pero ngayon ko lang nalaman na residente pala rito ang anak ni Laarni Enriquez.

Ngayon po ay hindi lang simpleng residente, tumatakbo siya ngayong konsehal para sa 4th District. Ang alam namin, sa Pebrero pa ang kampanyahan pero ngayon pa lang po, punong-puno na ng poster ng anak ni Laarni Enriquez ang area namin. Ultimo mga CCTV camera (public and private) ay natatakpan ng mga poster nila.

Wala po bang gagawing aksiyon ang Comelec sa maagang pangangampanya ng anak ni Laarni?

Andrex Roxas
(+63923739 – – – – )

OPINYON
NI KABAYAN

          JERRY YAP paalaala lng d komo nasa press ka at Yap e parang kampi ka kay IRMarcos. Pilipino ka pa rin at dapat nating ikatuwang mga Filipino ang conviction niya. She and all of her family deserve that. ‘Yun e kung Pilipino ka rin Mr. Yap. Pls dont tarnish ur HATAW, dis is a good paper. I’m an avid reader frm Lucena.

          Maraming salamat Kabayan sa iyong pagtangkilik sa pahayagang HATAW. Ako po’y dugong taga-Lucena rin. Paglilinaw lang po. Kaya nga ginamit ko ang deskripsiyon na ‘emotional blackmail’ dahil naiipit talaga ang damdamin ng marami nating kababayan. Sa kultura ng mga Filipino, marami sa kanila dahil sa edad ngayon ni Imelda Marcos ay sasabihing bahala na ang Diyos sa kanya. Pero kung ipatutupad nang mahigpit ang batas, tiyak na makukulong si Imelda. At nasa kamay na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bibigyan siya ng pardon.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …