Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diego Loyzaga, nakalabas na ng ospital, inilipat ng rehab center

NAKALABAS na ng St. Lukes Hospital si Diego Loyzaga nitong Huwebes ng gabi at itinuloy sa isang rehabilitation center base sa kuwento ng aming source.

Matatandaang itinakbo ang aktor sa nasabing hospital nitong Martes ng gabi matapos saktan ang sarili sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang leeg at pulso gamit ang swiss knife.

Duda ng lahat, dumaranas ang aktor ng depresyon dahil nga Ber months na naman at naalala na naman niya ang lolo Caloy Loyzaga niya na ama ng inang si Teresa Loyzaga na super close niya.

Inamin naman ito ng aktor sa mga nakaraang interbyu niya na kapag dumarating ang Ber months ay depress siya.

Anyway, ayon sa aming source, ”lumabas na Diego last night (Huwebes), inilipat siya sa rehab (rehabilitation) at wala namang imik noong sumakay siya. He was brought near in Cubao, malapit sa Chocolate Lover, Inc (bilihan ng raw materials for chocolates). Hanapin mo na lang ‘yung place.”

Inalam namin ang sinasabing lugar na puwedeng pagdalhan kay Diego. Ang sabi sa amin ng mga nakaaalam ng rehab center ay sobrang pribado ang lugar at bawal bumisita ang hindi kaanak at higit sa lahat, hindi sila nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa mga pasyente nila.

Umaasa kaming magiging maayos na ang kalagayan ng aktor dahil hinihintay siya ng lahat sa soap dramang Los Bastardos bilang si Joaquin Cardinal.

Bukas naman ang pahinang ito para sa pamilya ni Diego at ng Star Magic.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …