Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diego Loyzaga
Diego Loyzaga

Diego Loyzaga, itinakbo sa ospital, pinagtangkaan daw ang buhay

NABAHALA kami nang mabasa ang isang blind item ni TV5 reporter, Laila Chikadora sa kanyangFacebook page bandang 9:30 p.m. noong Miyerkoles ukol sa umano’y young actor na nag-suicide.

Ayon sa post ni Laila, ”Young actor of showbiz blood commits suicide. Slashes neck and wrists with a swiss knife. He is in a hospital somewhere in QC now; conscious. Please don’t let your inner demons win. I will pray for you. Sad.”

Kaya naman agad naming kinontak si Laila para itanong kung sino iyon. Subalit hindi kami sinasagot kaya sa ibang tao na lang kami nagtanong at nabanggit ang pangalan ni Diego Loyzaga.

Agad naming tinanong sa aming kausap kung bakit si Diego ang nasa isip niya? ”Eh, kasi for me, among the young actors now, si Diego ‘yung medyo magulo isip, siya ‘yung parang may pinagdaraanan at ‘di ba kargado pa siya nang nangyayari sa family niya?

“Actually, dalawa silang nasa isip ko, kaya lang ‘yung isa, maganda ang support system ng buong family including his friends. I’m not saying na hindi suportado si Diego, ha, it’s just so happen na may dala-dala pa siya, hindi pa niya totally nailalabas, halata mo ‘pag nagsalita at ‘pag umarte. At saka iba ang aura ni Diego, makikita iyon sa face niya.”

May nagkuwento pa sa amin na, ”may kausap si Diego sa cellphone,‘okay lang ako, pare kaya ko pa.’ Maaga siyang na-pack up sa taping ng ‘Los Bastardos,’ eh, kaya nakauwi na siya ng bahay.”

Martes ng gabi raw nangyari ang umano’y pagtatangka ni Diego sa buhay niya sa pamamagitan ng swiss knife na umano’y hiniwa ang pulso at leeg na nakita naman ng mga kasama nito sa bahay nila.

“Tumawag kaagad ng paramedics ‘yung mga kasama ni Diego sa bahay nila for first aid at saka dinala sa St. Lukes Hospital, (QC),” kuwento ulit ng taong may koneksiyon sa aktor.

Nabanggit din ang pangalan ng kilalang actor/singer na naroon daw sa pinangyarihan at nakita raw nito lahat ang pangyayari pero nakiusap ang taong nagkukuwento na huwag nang banggitin pa ang pangalan dahil baka ayaw din naman nitong ma-drag ang pangalan niya sa gulo.

“Tumulong naman siya (actor/singer), umalalay naman siya,” sabi sa amin.

Sa post naming, ”Good to hear, HE’S okay now,” marami ang kaagad na nagtanong kung sino at ‘yung iba ay nagsabing masyadong blessed ang aktor kaya sana huwag sanang sayangin ang buhay.

Totoo naman, napaka-bless ni Diego dahil may umeere siyang seryeng Los Bastardos at isa siya sa bida at maganda ang karakter niya bilang alam na panganay siyang anak na hindi pala.

Gusto naming isiping parte ng eksena sa Los Bastardos ang nangyari kay Diego, pero hindi, eh, kaya nakalulungkot pero ang maganda ay okay na siya at isa sa mga araw na ito ay maaari na siyang lumabas.

Dagdag pang kuwento sa amin, ”’pag tumawag ka sa St. Lukes, recorded na ang sagot na respect the privacy of the family.”

Tinawagan namin ang publicity head ng Star Magic na si Thess Gubi  pero hindi kami sinagot at tinext kami ng, ”Star Magic Statement: Diego and family are doing fine. And are requesting for privacy. Thank you.”

As of this writing ay wala pa rin kaming naririnig mula sa magulang ng aktor na sina Teresa Loyzagaat Cesar Montano.

Bukas ang pahinang ito para sa pamilya ni Diego kung may gusto silang linawin.

Samantala, sa isang panayam kay Diego sa presscon ng seryeng Los Bastardos ng ABS-CBN, sinabi nitong hindi niya feel ang “ber months”.

“It’s just the whole Christmas-y vibe. Ganoon. I’d rather be out of the country. Pansinin ninyo, guys, I’m always traveling during the ber months. Iyon na lang iyon.”

Kung matatandaan, nag-suicide rin ang kapatid ni Diego sa ama na si Christian Angelo, noong Marso, 2010.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …