Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lianne Valentin
Lianne Valentin

Lianne Valentin, nahirapan nang pasuin ang boobs

NAPAPANOOD na ang ML (Martial Law) na nagbigay ng Best Actor award kay Mr. Eddie Garcia nitong 2018 Cinemalaya Film Festival at Best Editing. Ikalawa rin sa top-grosser ang nasabing pelikula na pinagbibidahan nina Tony Labrusca, Lianne Valentin, Heinz Villaraiz, Jojit Lorenzo, Chanel Latorre, at Rafa Siguion Reyna na idinirehe ni Benedict Mique distributed ng Solar Films.

Sobrang nagpapasalamat ang lahat ng personalidad na kasama sa pelikula dahil finally mapapanood na ito nationwide at magiging aware na ang mga milenyal tungkol sa Martial Law.

Hindi naman itinanggi nina Tony, Heinz, at Lianne na nahirapan sila sa torture scene dahil makatotohanan.

Ayon kay Tony, “‘yung ilang oras kaming nakatali na tiniis kasi may mga kumakati hindi mo makamot, tapos nakakangawit din. Ang time-out lang ‘pag pupunta sa banyo, then balik na naman. Tapos ‘yung naka-tape ‘yung sa face, ilang beses tinanggal at kinabit, so mahirap po talaga.”

Say naman ni Heinz, “akala ko po madali lang ‘yung may takip na towel sa face tapos nakatutok ‘yung hose ng tubig, totoo palang mahirap, hindi ka makakahinga. Buwis buhay po talaga.”

Ang nakahiga sa blokeng yelo naman ang pinaka-mahirap para kay Lianne, “kasi po manipis lang ‘yung sapin so nakahiga ako sa blokeng yelo, sobrang lamig nanginginig na ‘yung buong katawan ko.”

May double si Lianne nang i-torture siya ni Eddie na pinaso ang boobs at sa pribadong parte ng katawan pero maski na may dobol ay ramdam ng baguhang aktres ang hirap.

Ang tatlong baguhang artista ay pinuri nang husto ni Eddie dahil napaka-professional at on time sa set kaya wala siyang masasabing masama, “they will go places,” saad ng beteranong aktor.

Iisa naman ang pahayag nina Heinz, Lianne, at Tony kung bakit nila tinanggap ang pelikula, “first, it’s Cinemalaya that everyone is dreaming of, 2nd, kasama ang living legend na si sir Eddie at ikatlo, wala kaming alam about martial law kaya gusto naming maramdaman how it was kaya nag-research kami para alam namin kung ano ba talaga iyon para gampanan ito. And of course to let the millennials, to encourage them to see this movie what is it all about.”

Samantala, wala sa plano ni direk Benedict na isali ito sa ibang film festival sa ibang bansa dahil mas gusto niyang ilibot ito sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng film showing sa mga eskuwelahan at sa online.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Alex Castro Sexbomb Sunshine Garcia

VG Alex sa muling pagsasama ng Sexbomb — nakita  ko ‘yung saya sa asawa ko

RATED Rni Rommel Gonzales PHENOMENAL ang muling pag-arangkada ng career ng Sexbomb Girls, pruweba ang limang sunod-sunod …

Ervic Vijandre Dingdong Dantes

Dingdong at Ervic paghaharap, iniintriga

I-FLEXni Jun Nardo MAGING kami ay nagulat nang makita namin na guest sa Family Feud ang actor-politician …

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …