Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imelda Papin
Imelda Papin

Imelda, iniligtas ng isang supplement

SI Imelda Papin mismo ang nagpatawag ng mga kaibigan niya sa press, iyon pala ay dahil lamang sa gusto niyang tulungan ang isang kompanya na naglulunsad ng isang heath supplement dito sa Pilipinas. Simple lang ang kuwento ni Mel, minsan kasi ay dumating sa kanya iyong panahong akala niya ay katapusan na rin niya. May isang kaibigan na nag-recommend ng isang supple­ment. Without asking, sinu­bukan niya. Ininom niya ang supple­ment. Kinabu­kasan, magan­da na ang kanyang paki­ram­dam.

Inamin niyang simula noon, hindi na siya nagpawala ng supplement na iyon na nagpapalakas sa immune system ng tao, at maganda nga, organic iyon.

Natuwa siya nang malaman niyang ilulunsad na rin iyon sa Pilipinas. Kasi nasubukan niya iyon sa US, at kailangan niyang mag-order on line, dolyar pa ang bayad. Eh ngayon nga dahil nasa Pilipinas na, maaari na iyong mabili rito, at mas mura siyempre.

Iyon lang ang dahilan kung bakit tinulungan niya ang kompanya ng food supplement na iyon.

Sabi nga niya, nai-suggest niya iyon noon kay Rico J Puno, nang makita niyang talagang mukhang mahina iyon. Pero hindi siguro nabigyan ng pansin dahil wala pa nga sa Pilipinas at kailangan ka pang mag-order on line. Naniniwala siyang kung nasubukan iyon ni Rico J, baka hindi nangyari ang mga bagay na iyon sa total entertainer.

Pero kagaya rin ng ibang supplements, sinasabi ngang, “iyan ay hindi gamot, at hindi dapat na gamiting gamot na anumang sakit.” Kung sabihin nila “no approved therapeutic claims.” Kami kasi naniniwala pa ring kung ano man ang sakit, dapat ikonsulta muna sa isang espesyalistang doctor.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …