NGUNIT para sa tagapagsalita ng ALU-TUCP, na humirit ng kabuuang P334 umento, hindi makatarungan ang P25 umento para sa mga sumasahod ng minimum sa Metro Manila.
“This is a great injustice for workers who helped build the business. This is injustice for workers who helped our economy grow,” pahayag ni ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay.
Ayon kay Tanjusay, nais nilang maka-dialogo si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa isyu ng umento sa sahod.
Samantala, naniniwala ang Palasyo na sapat ang P25 umento sa minimum wage para makaagapay ang mga manggagawa sa nagtataasang presyo ng mga bilihin at serbisyo.
“There has been a deliberation on the wage board, and apparently that’s the decision,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
“Perhaps, presently that is what they found out, that’s enough,” ani Panelo.
Dagdag ni Panelo, maaari pang mabago ang halaga ng minimum na sahod depende sa lagay ng ekonomiya.