Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tell Me Your Dreams Aiko Melendez Anthony Hernandez Jay Khonghun
Tell Me Your Dreams Aiko Melendez Anthony Hernandez Jay Khonghun

Tell Me Your Dreams ni Aiko, mapapanood sa Starmalls at Vista malls

ABOUT three weeks ago ay nagkaroon ng special screening sa Hoops Dome Arena sa Cebu ang pelikulang Tell Me Your Dreams na pinagbibidahan ni Aiko Melendez. Ito ay isang advocacy film na hatid ng Gold­en Tiger Films at mula sa pama­mahala ni Direk Anthony Her­nan­dez.

Ang naturang pelikula ay isang tribute para sa mga guro. Exclusive na mapapanood ito sa eleven cinemas ng Starmall at Vista mall sa December 5.

Umapaw ang tao sa Hoops Dome na umabot more or less sa 5,000 kaya naman tuwang-tuwa si Ms. Aiko na nagpunta mismo sa event kasama ang boyfriend niyang si incumbent Subic Mayor Jay Khonghun.

Planong isali ni Direk Anthony sa Orange Film Festival sa Turkey ang kanyang pelikula.

Saad ni Direk Anthony, “Actually, nagbukas kasi ang Vista Mall at Starmall, nag-open sila sa amin para mabigyan ng opportunity iyong pelikulang Tell Me Your Dreams na mapanood exclusively sa kanilang mga sinehan. Hindi naman sa pagya­yabang, iyong movie ay naging trending noong nagkaroon kami ng special screenings.

”Gaganapin ang press preview at premiere night ng Tell Me Your Dreams sa Dec. 1 sa Evia Mall at sa Dec. 5 ang exclusive screening nito sa mga sumusunod na malls: Starmall Edsa Shaw, San Jose Del Monte, at sa Alabang. Sa Vista mall naman sa Daang Hari, sa Evia ‘yung sa Alabang din, and then sa Pampanga, sa Bataan, Taguig, Sta. Rosa, Laguna and Las Piñas. And then Naga, 11 cinemas, lahat puro mall ni Senator VIllar.”

Nabanggit din niya ang paghanga sa galing ni Aiko bilang aktres. “Talagang ever since ay bilib ako kay Aiko Melendez, but nang nahawakan ko siya bilang director, nakita ko talaga nang personal iyong galing niya. Very, very happy ako sa performance ni Aiko rito. Bilib talaga ko sa professionalism at galing ni Aiko.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Chavit Singson, kompiyansa bilang third telco bidder

Chavit Singson, kompiyansa bilang third telco bidder

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …