Last October 27, naging very successful ang benefit concert (for humanitarian project for IAVC) ni Chino Romero (a.k.a Vhen Bautista) na “An Evening With Vhen Bautista” sa Camarillo Community Auditorium sa Camarillo, California.
Popular si Chino bilang Vhen Bautista sa kapwa Ilocano. Majority ng crowd niya sa kanyang recent concert na naging special guest ng recording artist at Pinoy Smule King ang kanyang mga talented na anak na sina Mikaela at Keanu Bautista with the Sacred Sound.
Majority rin ng mga kinanta ni Chino ay Ilocano songs na hanggang ngayon ay hawak niya ang titulong “Prince of Ilocano Songs.”
By the way, sa concert ding iyon nagkita sa kauna-unahang pagkakataon si Chino at ang kanyang matagal nang kaibigan at no.1 supporter na si Ma’am Florentina Echalar-Sipin, isang retired teacher at matagal nang naka-based sa US. Sobrang saya ng naturang guro at sa wakas ay nakita na niya at nayakap ang iniidolong singer na ipinag-produced niya ng bagong Ilocano CD album. Included dito ang kanyang tulang AGUBLIKA DITOY DENNAK (Comeback To Me My Dear) na ginawang kanta at nilapatan ng music ni Chino. Si Erickson Gubac Paulo ang siyang gumawa ng areglo nito na nakatakdang i-release soon.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma