Friday , November 15 2024

Maligayang kaarawan Ka Eduardo V. Manalo!

TAOS-PUSO tayong bumabati kay Ka Eduar­do V. Manalo, ang taga­pamahalang pangka­lahatan ng Iglesia Ni Cristo (INC), sa kanyang ika-63 kaarawan.

Kasabay nito ang ating pagbati kay Ka Eduardo sa kanyang mata­gumpay na pangu­nguna sa INC sa naka­lipas na siyam na taon.

Ang mabilis at hindi mapigilang paglago ng mga kaanib sa INC sa buong mundo ay patunay na si Ka Eduardo ay ginagabayan nang hindi masayod na kapang­yarihan ng Panginoong Lumikha.

Sa pangunguna ni Ka Eduardo ay umabot na sa 7,000 ang bilang ng kongregasyon at misyon ng INC sa 150 distrito eklesiastiko na nakatatag sa 147 bansa at teritoryo sa anim na kontinente ng mundo.

Ang mga kaanib ng INC sa kasalukuyan ay kinabibilangan ng 130 lahi mula sa iba’t ibang mga bansa sa daigdig.

Lubhang ipinagtataka ng marami ang pagbangon ng mga bagong gusaling sambahan ng INC, habang ang ibang religious organizations na matagal nang nakatatag sa ibang bansa ay nagbebenta ng mga kapilya dahil sa nanga­ngaunting bilang ng mga miyembro, partikular sa Estados Unidos ng Amerika.

Tiyak na masayang ipinagdiriwang ng mga kapatid natin sa INC ang kaarawan ni Ka Eduardo.

Katunayan, kahapon (Oct. 30) ay pinasi­nayaan ang pagbubukas ng bagong Museum and Gallery ng INC sa Central Ave., Quezon City.

Ang state of the art Museum and Gallery na may limang palapag ay nakatindig sa 46,000 square meters na sukat ng lote at magtatampok sa kasaysayan ng INC mula sa pagbangon nito noong July 27, 1914.

Maituturing na ito ang pinakamalaki at pinaka-modernong Museum and Gallery na naitayo sa Filipinas na maaaring ipagmalaki hindi lamang ng mga kapatid sa INC, kundi ng bawa’t Filipino sa mundo.

Ito ay isa na namang patunay sa masinop na pangangalaga at magiting na liderato ni Ka Eduardo sa unahan ng INC.

Kaya naman kami po ay nakikiisa sa mga kapatid natin sa INC na nagpapaabot ng aming taos-pusong paghanga kay Ka Eduardo.

Mabuhay po si Ka Eduardo at ang INC!

GO, TIYAK
ANG PANALO
KUNG HINDI
MATATALO

MAY mga nagsasabing panalo na si dating special assistant to the president (SAP) Chris­topher ‘Bong’ Go, ang bukod-tanging senatorial wannabe na inendoso at personal pang sina­mahan ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte nang maghain ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) sa pag­takbong senador.

Pero ‘yan naman ay kung tuloy ang dayaan, ‘este… ang 2019 midterm elections, ayon sa ilang political observers.

Ang ipinagtataka nila kung ano ang nagtulak kay Go na tumakbong senador gayong ni barangay kakawat, ‘este… kagawad ay walang track record na maipangangalandakan, maliban sa matagal na nagsilbing alalay ni Pres. Digong?

Karamihan pa man din ng mga nagtutulak at nagpapakita ng suporta kay Go sa pagtakbong senador na kung ‘di man ‘trapo’ ay nambobola lang, tulad ni Francisco Domagoso na isinusuka ng mga botante sa Maynila.

Sa madaling sabi, baka hindi maging kapani-paniwala at katanggap-tanggap ang magiging resulta ng eleksiyon kapag si Go ay nanalong senador.

Naturingan pa naman na Go ang kanyang pangalan kaya’t nakapanghihinayang kung magiging isang malaking katatawanan lang pala ang kanyang pagtakbo.

“Ala eh! Sayang ang pondo,” anang kaibigan kong Batangueño.

Ang sabi naman ng damuhong bobotante na inihahanapbuhay ang pamemera sa mga kandidato tuwing eleksiyon:

“Aba’y, tiyak nang panalo si Go… kung hindi siya matatalo.”

Hahaha!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *