Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Class of 2018 CJ Navato Kristel Fulgar Nash Aguas Sharlene San Pedro Kiray Celis
Class of 2018 CJ Navato Kristel Fulgar Nash Aguas Sharlene San Pedro Kiray Celis

Kristel Fulgar, tiniyak na naiibang pelikula ang Class of 2018

ISA si Kristel Fulgar sa tampok sa pelikulang Class of 2018 na latest offering ng T-Rex Entertainment. Ito ay isang teen horror-thriller na pinamahalaan ni Direk Charliebebs Gohetia. Tampok din sa pelikula sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, CJ Navato, at Kiray Celis.

Ang pelikula ay isang teen horror-thriller na palabas na ngayong November 7, ito’y isang chilling film tungkol sa 24 mag-aaral na kabilang sa Section Zamora at ang naging disgrasya sa kanilang field trip. Isang virus na nakaapekto sa kanilang mga kaklase at naging marahas na nilalang ang mga estudyante. Mapipilitan silang lumaban para mabuhay sa gitna ng pagkakakulong sa isang liblib na pasilidad ng pamahalaan.

Ano ang role niya sa movie?

Saad ni Kristel, “Ang role ko rito, ako po si Princess, ex-mean girl po ako pero magba­bagong buhay po ako by trying to reach out sa character ni Sharlene, na na-bully ko rati.”

Paano niya ide-describe ang movie? “Actually, ito po ‘yung klase ng movie na kahit hindi ako kasama sa pelikula, papanoorin ko talaga. Kasi hindi po ako ganoon talaga kahilig sa mga local films, pero kahit local po ito, papanoorin ko po siya kasi iba po siya, ibang taste.

“Kagaya po ng sabi ni Direk kanina, first time sa Philippine history of cinema ang virus. So, interesting po and parang makare-relate po rito ang millennials like me. So, it’s very interesting po talaga,” naka­ngiting saad ng Kapamilya aktres.

Dagdag ni Kristel, “Horror-thriller ‘yung movie, tapos may ano rin po rito, comedy, romance… Kasi may love team po, bale ang NashLene po saka kaming dalawa ni CJ. Bale mayroon pong parang magiging side story sa pelikula po.”

Si Kristel ay 23 years old at isang recording artist and vlogger na mayroong millions of views sa hit na song covers niya sa kanyangYouTube channel.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …