Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Batas Militar’ sa Customs wawalis nga ba sa korupsiyon?

KUNG karanasan sa pamumuno ng mga militar, isa tayo sa nakasaksi kung paano noon pamunuan ni dating Customs chief parolan ang Bureau.

Strict pero sabi nga everybody happy.

Wala tayong nababalitaan na nagagamit ng sindikato ng illegal na droga, hindi gaya ngayon.

Noon ‘yun.

Ang problema natin ngayon, hindi kakayanin ng mga bagong iuupong military men kung paano tumatakbo ang operasyon ng Customs.

Kung gaano kabusisi, kung ilang tao ang kailangan pumirma o ilang tao ang pagdaraanan ng mga doku­mento?

‘Yan ang dapat mapag-aralang mabuti ng mga itatalagang tao ni ni Gen. Jagger Guerrero.

Pero hindi ganoon kadali ‘yun.

Ngayon pa namang magpa-Pasko e saka pa nagkaroon ng malaking pagbabago sa Customs.

Anyway, kung mapapaigi at mawawalis nga ng mga uupong military sa Customs ang Bureau, aba e, ganoon na rin ang gawin sa Bureau of Internal Revenue (BIR), sa LTFRB, sa  DPWH at sa Bureau of Immigration (BI).

‘Yan naman ang gusto natin ‘di ba, ang mawalis ang mga ‘anay’ sa ating gobyerno.

Tiyak na maraming matutuwa niya.

Pero for the meantime, batiin muna natin ang bagong pamunuan, congratulations Gen. Jagger, Sir!

Good luck po…

RIP RICO BABY…

ISA tayo sa mga nalungkot sa pagpanaw ng maituturing nating ka-jamming na si Mr. Rico “Baby” Puno.

Nalulungkot tayo at bigla nating na-miss ang kanyang boses at piyesa na talaga namang kabisadong-kabisado ng mg bata noon…

Sino ang makalilimot sa linyang — “nama­masyal pa sa Luneta nang walang pera?”

Ilang panahon rin natin siyang nadadabar­kads sa Makati kasama si Percy Lapid.

Bukod sa nakatutuwa niyang performance — total per­former e — kapag nasa stage, natu­tuwa rin tayo sa ka­ba­baang loob niya at hindi utak-sikat kapag nakiki­pagkuwentohan sa amin.

Sabi nga sa New York Times, si Rico J. Puno ay soul music pioneer sa Filipinas.

Sa kasalukuyan, hindi naman genre ng mang-aawit ang tinitingnan, basta’t ang titik ay nasa Filipino, awtomatikong tatawaging OPM.

Biruin ninyo, ang NYT ay sinabing soul music pioneer si Rico J?!

Wala po tayong argumento riyan… kahit ano puwede kay Rico.

So long Mr. Rico J., thank you for the music!

TACLOBAN AIRPORT
MAINIT NA, CARPET
AY MARUMI PA

SIR Jerry, sana maiayos ang aircon dto sa Tacloban Daniel Romauldez airport dahil kapag maraming tao ay napakainit na. Pati ‘yun’ matting na carpet sa security check nakakadiri sa dumi at baho. Pinaghuhubad nila ng sapatos at sandals bago ang aapakan namin ay nakakasuka talaga.

+639179488 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *