Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Dingdong Dantes Zia
Marian Rivera Dingdong Dantes Zia

Baby brother, request ng anak nina Marian at Dingdong

IKINATUWA at ikinahaba ng hair ni Marian Rivera ang desisyon ni Dingdong Dantes na huwag nang ituloy ang balak na pagtakbo sa 2019 eleksiyon dahil buntis siya.

“Actually, na-touch ako sa asawa ko nang sabihin niya na ang priority niya ay ang pamilya niya, especially na buntis ako.

“Gusto niya na palagi siyang nandiyan every time na kakailanganin ko siya.

“So, na-touch naman ako… between ‘yung gusto niyang mangyari para sa bansa na nandiyan din naman, mas ano niya yung ‘kailangan mo ako, eh.’”

Nag-uusap naman sila ni Dingdong lalo na pagdating sa mga plano nito.

Hiningan din siya ng payo ng mister sa naging desisyon nito.

“Oo naman, nag-uusap naman kami.

“Basta kahit anong gawin ng asawa ko, susuportahan ko siya dahil ganoon ko siya kamahal at ganoon ako naniniwala sa kakayahan niya.”

Si Marian ang unang celebrity endorser ng Reverie home products ng Beautéderm Home na mga produktong pampabango at pampa-good ambiance ng bawat tahanan tulad ng mga kandila na gawa sa pure soybean oil at all natural ingredients kaya guaranteed safe for the whole family.

Pag-aari ito ni Beautéderm CEO/President Rhea Anicoche-Tan.

Samantala marami ang nagsasabing napakagandang buntis ni Marian sa pangalawang anak nila ni Dingdong.

Ayaw i-reveal ni Marian kung ilang buwang bun­tis na siya.

“Basta… basta 2019 lalabas!”

Dahil may baby Zia na sila ni Dingdong, baby boy ba ang gusto nilang maging ikalawang anak?

“Well, depende.”

Si Zia ang nagre-request na magkaroon ng baby brother.

“Hinihiling ‘yan ng anak ko every night. Pero okay lang kahit babae.”

May kaibahan ba ang pagbubuntis niya ngayon sa una niya?

“Iba-iba naman kasi ang pagbubuntis. Kay Zia, iba ang kinakain ko, iba ang hinahanap ko. Rito, iba rin, eh.

“Well, sabi ko nga, kung may mababago man sa akin ko, okay lang ‘yun.

“Ganoon talaga. That’s the reality.”

Ilang anak ba ang nais nina Marian at Dingdong?

“Ang ideal namin is three, pero kung gawing four, why not, ‘di ba?”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …