Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shara Dizon, mean girl sa pelikulang Class of 2018

ANG newbie actress na si Shara Dizon ang isa sa tampok sa pelikulang Class of 2018 na mapapanood na sa November 7. Ito’y mula sa T-Rex Entertainment at pinagbibidahan nina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, CJ Navato, Kristel Fulgar, at Kiray Celis. Ito ay isang teen horror-thriller ni Direk Charliebebs Gohetia.

Ang istorya nito ay nagsi­mula nang ang Section Zamora ay nagkaroon ng mys­te­rious virus habang nasa field trip. Ang section nila na binubuo ng 24 students ay na-quarantine ng mga militar sa isang aban­donadong facility.

Si Shara ay 19 years old at graduate ng Tourism sa UE Caloocan. Naging co-host din siya before sa Eat Bulaga nang ma­sungkit niya ang 3rd Place bilang Ms. Milennial at itinuturing niyang isa ito sa pinaka-memorable na nangyari sa kanya sa showbiz.

Ano ang role niya sa Class of 2018? “Iyong role ko po rito is, ako po si Misha, ako po ‘yung isa sa mga mean girls, apat po kami. Tapos isa po ako sa mga mean girls. Opo bad ako rito, so after po ni Kiray, ako po ‘yung pinaka-mean. So kami po ni Ate Kiray ‘yung tandem talaga rito sa movie.”

Iyong mga audience ba, magtitilian kapag pinanood ang movie nyo? “Oo naman po, magtitilian po sa maraming bagay, magtitilian po kasi kinikilig din. ‘Yung ganoon po. So mara­ming times po for sure na ‘pag nanood ang isang tao, titili sa movie na ito,” nakangiting saad ni Shara.

Kasama rin sa casts ng Class of 2018 sina Yayo Aguila, Adrian Alandy, Dido dela Paz, Alex Medina, Sherry Lara, Michelle Vito, Ethan Salvador, Jomari Angeles, Kelvin Miranda, Nikki Gonzales, Lara Fortuna, Aga Arceo, Hanna Francisco, Justin de Guzman, Dylan Ray Talon, Micah Jackson, Jude Matthew Ser­villa, John Vic De Guzman, Yvette Sanchez, Jerom Canlas, at Noubikko Ray.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Kyline sunod-sunod ang awards at projects sa GMA-7, may bago pang endorsement

Kyline sunod-sunod ang awards at projects sa GMA-7, may bago pang endorsement

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …