Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PNP Chief DG Albayalde & NCRPO Chief Dir. Eleazar ipinahihiya ba kayo ng mga lespu ninyo?!

KAMAKAILAN dalawang police escort ng isang Korean national na nam­basag ng side mirror ng isang taxi driver ang nag-viral sa social media.

Kamakalawa, isang rapist na pulis na ang rason ay anak umano ng mag-asawang drug pusher ang sumama sa kanyang 15-anyos na dalagita sa motel at hindi raw umano humingi ng kapalit.

Pero ang higit na nakapangingilabot ‘yung sagot niyang, ‘kalakaran na raw ‘yan sa pulis ang gahasain ang anak ng suspek.’

Wattafact!?

Straight from the horse’s mouth ang ‘fact’ na ‘yan. Uulitin lang po natin, kalakaran na raw sa pulis ‘yung ginawa niya?!

‘Yung kapag nakursunadahan ang dalaw ng drug suspect ay puwedeng ‘ikama’ nang walang kapalit?!

Ta’na naman talaga, oo!

Parang kung magkakaroon ng plebisito sa pagpapatupad ng ‘death penalty,’ ang sarap bumoto ng ‘YES’ at ipabitay agad ang mga ganyang pulis, kasunod ng mga plunderer at iba pang magnanakaw sa gobyerno at ‘yung mga sangkot sa illegal drug syndicates.

Wala man lang respeto sa kanilang mga bossing para sumagot nang ganyan — ‘kalakaran na sa pulis?’

Sonabagan!!!

Tahasan kayong binastos ni PO1 Eduardo Valencia, DG Albayalde and Dir. Eleazar.

Kulang na lang e tagpasin ang ulo at yagbols ninyo sa harap ng publiko on national TV.

Ganyan na ba talaga ang mga pulis ngayon?!

Aba, kailangan sigurong isalang sa congressional or senate investigation ‘yang Valencia na ‘yan para ituga niya kung ano-ano pang ‘kalakaran’ sa PNP ‘yang sinasabi niya.

Attention po Sen. Dick Gordon!

Kailangan na rin sigurong isalang sa neuro test ‘yang si Valencia dahil senyales nang isang psycopath ang kanyang ipinakikita.

Mantakin ninyong ikatuwiran na kalakaran o parang normal na sa PNP ang pagtanggap sa baluktot na moralidad ng mga pulis?!

Hindi naman tayo nagsasanto-santito, pero kaakibat po ng pagpupulis ang maayos na pananaw sa moralidad dahil sila ay tagapag­patu­pad ng batas at masyado nga pong maraming tukso sa kanilang trabaho.

Kaya kung mababaw ang pananaw sa mora­lidad ng isang tao — delikado ‘yang mag-pulis.

Magtataka pa ba tayo kung bakit mayroong upperclassmen sa PNPA na pinag-oral sex ang dalawang plebo?!

DG Albayalde and Dir. Eleazar, mukhang kailangan na talaga ninyong higpitan ang recruitment ng mga pulis.

Kailangan sigurong hindi lang pagiging combatant ang maging training nila kundi ‘yung ‘true essence’ ng pagiging law enforcer gaya noong pana­hon na ang mga pulis ay nagtatapos bilang criminologist at hindi combatant mula sa PNPA.

Dapat na rin sigurong aralin ng CHED na ang mga pulis ay mayroong pre-requisite courses or subjects na magpapanday sa kanilang moralidad.

Katakot-takot na sablay na po ang nakikita ng madla sa ating mga pulis, kailangan na sigurong ugatin kung ano ang tunay na problema. Hindi na lang ito usapin ng mababang suweldo o mahirap na trabaho.

Uulitin ko lang po, DG Albayalde and Dir. Eleazar, panahon na po.

‘INSTANT PROMOTION’
NG BAGITONG BISOR
KONTROBERSIYAL
SA MIAA

NABALUTAN ng kontrobersiya at demoraliza­tion ang ‘promotion’ kamakailan ng isang empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) na umano’y sadyang protek­tado ng dalawang mataas na opisyal.

Ang issue kasi ay biglang nalampasan ng isang babaeng empleyado na binansagang “KIKAY KATI”  ang ilang beterano niyang kasamahan na naglilingkod sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang naturang ‘instant promotion’ ni alyas Kikay Kati ay ikinadesmaya  ng rank & file employees sa MIAA na matagal nang nagse­serbisyo sa pambansang paliparan.

Ito kasing si alyas Kikay ay dating empleyado ng LBP Manpower Agency sa airport ngunit mabilis na naging ‘organic employee’ sa tuhog ‘este tulong na rin ng dalawang MIAA senior official.

Si alyas Kikay ay nakatalaga ngayon bilang Junior Supervisor ng isang departamento na nasa ikaapat na palapag ng MIAA Admin Bldg.

At nang ma-promote ay biglang perma­nente agad na may salary grade 15 samantala ang ibang kasamahan niya na matagal nang organic MIAA employees partikular sa airport operations ay nasa salary grade 6, grade 10, grade 12 at salary grade 14 na nagsilbi na sa NAIA nang halos 10-20 taon.

Wattafact?!

Hinaing ng mga miyembro ng SMPP (Samahang Manggagawa sa Paliparan sa Pilipinas) ngayon lang daw nangyari sa kasay­sayan ng MIAA na ang pinaka-entry position ng isang empleyado ay salary grade 15 agad na ikinadesmaya nila dahil halos limang taon pa lamang daw sa serbisyo si alyas ‘Kikay Kati.’

“Kahit pala magaling ka at tapat sa iyong trabaho kung hindi naman napapansin at walang padrino ay balewala ito ngayon sa MIAA pero kung malakas at sumisipsip ‘este sipsip ka sa ‘itaas’ ay madali ang promosyon na naghihintay sa iyo,” hinaing ng isang beteranong opisyal sa MIAA.

Kaugnay nito, nanawagan ang mga empleyado kay MIAA general manager Ed Monreal at iba pang matataas na opisyal na sila naman ang bigyan  ng pagkakataon dahil matatagal na sa serbisyo at napatunayan na ang kanilang tapat na paglilingkod sa pam­bansang paliparan.

Ang tanong nga nila sa dalawang MIAA senior official na sina alias “TURA” at “TIRYA,” ano kaya ang ipinakain ni alias “Kikay” sa kanila para bigyan ng special treatment!?

Alam kaya ni MIAA GM Ed Monreal ang Lihim ng Guadalupe?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *