INIHAYAG ng state weather bureau na maaaring itaas ang cyclone warning signal sa susunod na linggo dahil sa inaasahang pagpasok ng super typhoon Yutu sa Philippine area of responsibility bukas, Sabado.
Sa tropical cyclone advisory na inisyu kahapon, sinabi ng PAGASA, ang bagyo ay tatawaging “Rosita” kapag nakapasok sa PAR dakong umaga ng Sabado.
“Tropical Cyclone Warning Signal may be raised as early as Monday morning over Isabela and Cagayan area,” ayon sa weather agency.
Ang bagyong Yutu ay namataan 2,380 km east ng Central Luzon. Ito ay may maximum sustained winds na 210 kph malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 260 kph.